Gloc-9
Bagsakan
[Intro]
Nandito na si Chito, si Chito Miranda
Nandito na si Kiko, si Francis Magalona
Nandito na si Gloc-9, wala siyang apelyido
Magbabagsakan dito in five, four, three, two

[Instrumental Break]

[Chorus: Gio Fernandez]
Nandito na si Chito, si Chito Miranda
Nandito rin si Kiko, si Francis Magalona
Nandito rin si Gloc-9, wala siyang apelyido
Magbabagsakan dito, mauuna si Chito!

[Verse 1: Chito Miranda]
'Di ko alam kung ba't ako kasama dito
Sama-sama sa mga pasabog nila Kiko at ni Gloc
Astig, patinikan ng bibig
Teka muna, teka lang, painom muna ng tubig
Shift sa segunda, bago pa matumba
Dapat makaisip ka ng rhyme na maganda
At madulas ang pagbigkas at astig baka sakaling marinig
Ng libu-libo na Pilipinong nakikinig sa mga pabibo ko
'Di ka ba nagugulat sa mga naganap?
'Di ko din alam kung ba't ako sikat
Para bang panaginip na pinilit makamit
Talagang sinusulit ang pagiging makulit
Kailangan galingan, 'di na kayang tapatan
Ang tugtugan ng Parokya at aming samahan
Shit, pa'no 'to wala na 'kong masabi
Ngunit kailangan gumalaw ng mga labi
Kong ito kunyari nagbabakasakali
Na magaling din ako kaya nasali
[Chorus: Gio Fernandez]
Natapos na si Chito, si Chito Miranda
Nandito na si Kiko, si Francis Magalona
Nandito rin si Gloc-9, wala siyang apelyido
Magbabagsakan dito, babanat na si Kiko!

[Verse 2: Francis Magalona]
It ain't an Uzi or Ingram, triggers on the maximum
Not a .45 or .44 magnum, and it ain't even a .357
Nor 12-Gauge but the mouth so listen
Nandito na si Kiko at kasama ko si Chito at si Gloc-9
And it's time to rock rhyme
'Di ko mapigilan lumabas ang mga salita sa aking bibig
Na 'di padadaig, ang bunganga, hala tumunganga
Lahat napapahanga sa talento, ako'y taga-Kalentong
Batang Mandaluyong na ngayon
Nakatira sa Antipolo, sumasaklolo sa mga hip-hop
Pwede karerin o pwede rin trip lang
Si Gloc, kasama ng Parokya
Parang Bulagaan at kailangang 'di mabokya
Hindi mo na kailangan pa malaman pa kung bakit pa
Kaming lahat ay nagsama-sama
Mic check, 'eto na nagsanib na ang puwersa
Francis Magalona, Gloc-9 at ang Parokya
One, two, three, four, let's volt in!
[Chorus: Gio Fernandez, Gloc-9]
Natapos na si Chito, si Chito Miranda
Tapos na rin si Kiko, si Francis Magalona
Nandito na si Gloc-9 (Uh, mic check, mic check)
Wala siyang apelyido (On na ba 'yung mic?)
Magbabagsakan dito, kailangan nang mag-ingat
At ang huling bagsakan, si Gloc-9 ang babanat!

[Verse 3: Gloc-9]
Bato-bato sa langit ang tamaan'y 'wag magalit
Bawal ang nakasimangot baka lalo kang pumangit
Pero okay lang, hindi naman kami mga suplado
Sumabay ka sa amin na parang naka-eroplano
Sa tunog ng gitara, kasama ng pinakamalupit na banda
Pati si Kiko, magaling, 'di pa rin kayang tapatan
Parang awit na lagi mong binabalik-balikan
Stop-rewind and play mo
Napakasaya na para bang noong birthday ko
Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin
'Di na kailangan pang paikot-ikotin
Baka lalong matagalan lang
Lumapit at makinig na para 'yong maintindihan
Mga salitang sinulat na hindi ko pa bilang
Pero pwede ilatag na parang banig na higaan
Kapag hinawakan ang mikropono parang nabubuwang
Eh kasi naman siguro, ganyan lang
Kapag gumagawa kami ng bago, medyo nabibilisan
Hindi mo naisip na pwedeng mangyari
Magkasama-sama lahat ay kasali, 'ge!
[Outro: Chito Miranda]
Ngayon lang narinig, hindi na 'to madadaig
Nagsama-sama sa bagsakan at nag-iisang bibig
Mag-ingat-ingat ka nga at baka masindak
Sapagkat, nandito na si Chito at si Kiko at si Gloc!

[Album Outro]
I'm Pedro, Basura Man!
I live in the garbage can!
I went to my auntie
And punit her panty!
I'm Pedro, Basura Man!