Gloc-9
Upuan
Translations: English
[Hook: Jeazell & Gloc-9]
Kayo po na nakaupo
Subukan niyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw na niyo
Ang tunay na kalagayan ko
(Ganito kasi 'yan, eh)

[Verse 1: Gloc-9]
Tao po, nand'yan po ba kayo sa loob ng
Malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader, pinapaligiran
At nakapilang mga mamahaling sasakyan
Mga bantay na laging bulong nang bulong
Wala namang kasal pero marami ang nakabarong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi Pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na 'pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan
[Hook: Jeazell Grutas]
Kayo po na nakaupo
Subukan niyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw na niyo
Ang tunay na kalagayan ko

[Verse 2: Gloc-9]
Mawalang-galang na po sa taong nakaupo
Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay 'di puno?
Ang dingding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na 'di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
Gamit lang panggatong na inanod lamang sa estero
Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
Ang aking ina'y na may kayamanang isang kaldero
Na nagagamit lang 'pag ang aking ama ay sumweldo
Pero kulang na kulang parin, ulam na tuyo't asin
Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin
'Di ko alam kung talagang maraming harang
O mataas lang ang bakod
O nagbubulag-bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pera niyo
Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo
Kaya
[Bridge: Jeazell]
'Wag kang masyadong halata
Bato-bato sa langit
Ang matamaa'y wag magalit
O bato-bato bato sa langit
Ang matamaan ay
'Wag masyadong halata (Ooh)
'Wag kang masyadong halata
('Wag kang masyadong halata)
('Wag kang masyadong halata)