Gloc-9
Ang Parokya
[Intro: Chito Miranda]
Dalawang dekada na pala tayong naglolokohan
At tulad ng sinabi ko noon walang iwanan
At kahit na anong mangyari, pare, steady ka lang
Pangako namin sa inyo palaging tandaan

[Chorus: Chito Miranda]
Na ang Parokya kahit na hindi magaling
Kami ang bandang hindi nila kaya patayin
Tumatanda na pero nandito pa rin
At habambuhay kaming maghahasik ng lagim

[Verse 1: Chito Miranda]
Nand'yan si Dindin, ang drummer naming cute na cute
Kaibigan ko na siya mula nung '82
Hanggang ngayon hindi pa rin marunong mag-commute
Pati mag-drums pero okay lang 'yan, chong, salute
Grade 3 nung nakilala ko si Montaner
Ang aming back up extra ordinaire
Sa bawat gig, handa siyang magpakamatay
Kasi nag-iisa 'yung kanta niya, 'yung "Picha Pie"
Si Buhawi, pinakamagulong bahista
Magaling, malupit, para siyang karatista
'Pag inyong makita, 'kala mo rakista
Pero gusto niya lang talaga maging fashionista
Si Gab, gitarista namin na malupit
Anak ng teacher kaya akala mo mabait
Pero kung minsan inaatake ng kulit
Nawawala bigla ang modo, banatan sa pwet
At ang huli, si Darius Gerard Semaña
Ang pinakamatandang member ng Parokya
Wala kaming mahanap na ibang gitarista
Kaya kinuha namin siya kahit lasalista
[Chorus: Chito Miranda]
Ang Parokya kahit na hindi magaling
Kami ang bandang hindi nila kaya patayin
Tumatanda na pero nandito pa rin
At habambuhay kaming maghahasik ng lagim
'Yan ang Parokya kahit na hindi magaling
Kami ang bandang hindi nila kaya patayin
Tumatanda na pero nandito pa rin
At habambuhay kaming maghahasik ng lagim

[Verse 2: Gloc-9]
Ako si Gloc-9, batang Binangonan, Rizal
Sipag, tyaga, dugo, pawis na may kasamang dasal
'Di pwedeng mainip kahit na ga'no pa katagal
Kapag uhaw handang uminom ng tubig sa kanal
Balikan natin ang storya, nanalo ng trophy
Si Chito Miranda, nakita ko sa kod-li
Ako'y napa-isip at medyo nangarap ng konti
Baka nga may mapala'ng isang makatang promdi
Lumipas ang isang taon, may tumawag sa'kin
Nang sabihin niya kung sino siya gusto ko siyang murahin
Nang aking pinuntahan, 'di ko sukat akalain
Makakasali ako sa kantang kakabisaduhin ng madami
Bagsakan ang nangyari
Samahang binuo namin wala akong masabi
Kasama mo pa si Gab, si Buwi, Vinci, Darius at si Dindin
Mula noo'y 'di na 'ko nakatulog nang mahimbing
Palaging atat ipadinig sa lahat
Kung saan nagmula ang tulang nag-ugat
Dito sa kantang pwede ang kahit anong pamagat
Dahil susunod na sa'kin ang anak ng alamat
[Verse 3: Frank Magalona]
Sintamis ng makopa para bang naka-toga
Nakamit na ang inaasam nilang diploma
'Di kayang makopya ang tinahak ng Parokya
Kasama pa si Aristotle Pollisco at Frankiko Magalona
'Yan si Chito at ang tropa, pagkabibo ay sumosobra
'Pag dating sa gig ay naghahasik ng amat na walang droga
'Pag pumito na si kuya, alam nating magulo na
Mang pulis, hoy, totoo na, ako'y testigo ilang taon na
Kulang na lang sulat ko'ng pangalan nila sa balota
Walang Pinoy na takot sa kanila
Kahit nagtitinda ng penoy at balot sa kalsada
Sila ang pipiliin na kalahok tampok sa kalokohang subok
Walang kayang pumatay ang mga sandata ninyo ay marupok
Sa pintuan palang hindi mo kayang makatok
Sa bituka palang sila'ng mas matatag
Sa totoo lang, 'di niyo kaya si Chito Miranda at Gab
Chee Kee, Vinci, Moreno, Semaña at Meneses
Nominado at nanalo nang maraming beses
Nakalathala sa punong Acacia
Ang Diyos ay marunong humasa
'Di ba halata na binasbasan ng Bathala, 'singtibay ng Narra
'Di natakot mangarap, pakinggan niyo'ng harana
Mga kapatirang pariwara na inararo ng drama
Itaga niyo na sana sa bato
At mangako na habambuhay magsasama
[Chorus: Chito Miranda]
Ang Parokya kahit na hindi magaling
Kami ang bandang hindi nila kaya patayin
Tumatanda na pero nandito pa rin
At habambuhay kaming maghahasik ng lagim
'Yan ang Parokya kahit na hindi magaling
Kami ang bandang hindi nila kaya patayin
Tumatanda na pero nandito pa rin
At habambuhay kaming maghahasik ng lagim