Gloc-9
Industriya
[Intro: KZ Tandingan]
Mga pangarap na hinahanap ay abot-kamay mo na
Pera’t alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa
Pero mag-ingat sa pagsipat ng mga hinahangad
Nakakaduling kung matulin o matayog ang lipad

[Hook: KZ Tandingan,Gloc-9]
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Do’n sa’min, sisikat ka
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Yayaman ka
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Pakinggan mo (dahil dahil)
Ang mga kwento ng industriya

[Interlude]
Pare tignan mo sisikat din ako ('Di nga?)

[Verse: Gloc-9]
Ito ay ang mga kaganapan sa buhay
Ng isang tao sa mundo na iba’t iba ang kulay
Ilaw na patay-sindi kahit na hindi gabi
Malalakas na tugtugin na nakakabingi
Pero ito ang dinasal (dasal) ito ang hinagilap (gilap)
Kapalit ng pag-aaral kahit tila mahirap
Habulin, hulihin, lunurin, baguhin ang sarili
Matulin-tuling bunutin pag natibo ka ng bote
Sa paa dapat lagi kang nakatapak sa lupa
Kahit na alam mong ang puhunan mo’y dugo at luha
Meron kang dala-dalang ‘di alam ng iba
Lamunin man ng kaba inensayo mo na
At hinding-hindi ka papayag na ‘di mo maabot
Kahit ulitin pa’ng iyong layag laot na mahamog
Madilim at malayo maalon na daan
Kahit na ano pa ‘yan ay kanyang lalampasan
[Chorus: KZ Tandingan]
Mga pangarap na hinahanap ay abot-kamay mo na
Pera’t alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa
Pero mag-ingat sa pagsipat ng mga hinahangad
Nakakaduling kung matulin o matayog ang lipad

[Hook: KZ Tandingan,Gloc-9]
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Do’n sa’min, sisikat ka
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Yayaman ka
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Pakinggan mo (dahil dahil)
Ang mga kwento ng industriya

[Interlude]
Uy, si idol! (Mayabang naman yan, eh)

[Verse: Gloc-9]
Liwanag na nakakasilaw (silaw), 'di mula sa araw (araw)
Palakpakan at pangalan mo ang nangingibabaw (baw)
Sigawan ng mga tao kahit saan magpunta
Ikaw lang ang gusto nila at wala nang iba
Kahit anong iyong gawin ay kanilang bibilhin
Makita lang ang kinang ng iyong bituwin
Sa bilis ng pangyayari hindi mo namalayan
Bagong bahay, lote, kotse lupa at kayamanan
Ang nasa iyong kamay na gustong kamayan
Ng lahat, kaibigan na hindi mo na bilang
Palaging nakaakbay gusto kang sabayan
Sa daan papayungan ka kapag umuulan
Ika’y nawili at tila ba nalasing ka sa lahat
Ng mali kasi alam mo na ikaw lang ang sikat
Sa layo ng narating di mo nakita ang hinanap
Sa dami ng ‘yong hawak naging bangungot ang
[Chorus: KZ Tandingan]
Mga pangarap na hinahanap ay abot-kamay mo na
Pera’t alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa
Pero mag-ingat sa pagsipat ng mga hinahangad
Nakakaduling kung matulin o matayog ang lipad

[Hook: KZ Tandingan, Gloc-9]
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Do’n sa’min, sisikat ka
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Yayaman ka
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Pakinggan mo (dahil dahil)
Ang mga kwento ng industriya

[Interlude]
Uy, kilala mo ba yun? (Oo, laos na yan eh)

[Verse: Gloc-9]
Panahon ay dumaan naging pangilan-ngilan
Ang pagsampa ng entablado nakalimutan
Ang mga awit na inawit malalakas na hiyaw
Bakanteng upuan ang nakikinig lang ay ikaw
Sa isang iglap, tila wala nang nakakakilala
'Di mo matanggap kasi wala nang nakakaalala
Dumating ang tagtuyot ng walang kamalay-malay
Malungkot dahil hindi ka nagtatabi ng palay
No’ng sagana sa lahat madami kang kaibigan
Na akala mo ay hinding-hindi ka tatalikuran
Iyong napag-alaman ng ika’y mapag-iwanan
Matapos ang lahat, ikaw ang pinagtatawanan
Dahil nawili at tila ba nalasing ka sa lahat
Ng mali ngayon alam mo na hindi ka na sikat
Ang layo ng narating, di mo nakita ang hinanap
Humawak ka dahil pwede pang mabawi ang
[Chorus: KZ Tandingan]
Mga pangarap na hinahanap ay abot-kamay mo na
Pera’t alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa
Pero mag-ingat sa pagsipat ng mga hinahangad
Nakakaduling kung matulin o matayog ang lipad

[Hook: KZ Tandingan, Gloc-9]
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Do’n sa’min, sisikat ka
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Yayaman ka
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Pakinggan mo (dahil dahil)
Ang mga kwento ng industriya

[Outro: KZ Tandingan, Gloc-9]
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)

Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (malapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)

Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
Do’n sa’min (maniwala ka sa’min)
Pakinggan mo
Ang mga kwento ng industriya