Gloc-9
Mamang Poser Skit
K'ya! K'ya! Huy! K'ya! 'Di ba rapper ka?

Ha?!

Rapper ka 'di ba, kuya?

Ah, oo rapper ako

Ha! Sabi na ikaw yun eh! Uy sorry, ano nga ulit yung pangalan mo? Nakikita kita sa TV eh

Hhm, 'no nga ba pangalan ko? Gloc-9! Gloc-9 ang pangalan ko!

Astig, astig! Sir Gloc pwede ba 'ko mag-sample ng rap sayo? Kasi... Nagsusulat din ako eh!

Sure! Sige nga, padinig nga ulit ng sample mo

Iniwasan ng malamang
Tinik sa lalamunan ang dala
May nadinig pa din kahit
Madalas pang yumuko sa magsasaka
Kaya kasalanan ba kung paglalampaso nakapagpasaya 'di pinabayaan
At walang kaalamang maibabahagi ang pagtataka
Total andito na tayo ba't pako sa chamba mag-aasam
Kung pati mga tenga ng tinitingala mo ay sa mga dura ko nakaabang

Medyo may kadalasan na matakam
Makapagsako ng patapon
Na hindi na bago pa sa daan
Sa taas ko humihiga
O di na katakataka na makapaglampaso to malamang
Ngawit na ako tumingala
Iba't ibang sulatan na din ang binasa
Ng imahinasyong apat na taon itinaya
Para sa bunga na 'di makuha pa sa himala
Napilitan na balikan ang mga 'di ko tyinaga
Mga pasang-awa na grado sa bato itinaga
Na nagkakamali ka kung inakala mo na sa pagpapahinga lang ako natutong magpakabihasa

Hanep!! Galing ng sample mo ah? Pero may sample din ako

Ano po yun?

Eto o... Ayos ba? Panalo 'di ba? Ako lang meron nyan...