Gloc-9
Tinta
Pwedeng asul
Pwedeng itim
Pwedeng pula
Pwedeng iba, ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila
Sila na syang makikinig at kakabisado ng kanta
Ngayon sabihin mo sa akin, pa'no mo ginamit ang tinta

Ahh ahh ahh ahh ahh
Ahh ahh ahh ahh ahh

Nagsimula ang lahat ng aking mahawakan ang papel at panulat
Habang ako'y tinuturuan ni nanay habang sya'y naglalaba ng damit sa poso
Paulit-ulit isinusulat at dapat deretso ang mga
Letra na parang petsa sa kalendaryo
Magbasa ng aklat kung minsan nama'y komiks at dyaryo
Nang sa gayo'y mapalawak ang aking bokabularyo
At hindi imbento na parang gamot ng albularyo

Nag-aral, isa dalawa tatlong baytang sa elementarya
Natapos sa ika-anim ngunit walang medalyang nakasabit sa 'king leeg
Kung hindi sampagitang dala-dala ni tatay pagkatapos nya mamasada
Lumipas ang mga taon, sinubukang lumikha
Mga salitang magkatugma na ang tawag ay tula
Ngunit may nagsabi sa akin 'Ris 'pag naro'n ka na
Sabihin mo sa 'kin kung pa'no mo ginamit ang tinta
Pwedeng asul
Pwedeng itim
Pwedeng pula
Pwedeng iba, ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila
Sila na syang makikinig at kakabisado ng kanta
Ngayon sabihin mo sa akin, pa'no mo ginamit ang tinta

Ahh ahh ahh ahh ahh
Ahh ahh ahh ahh ahh

Paggising mo sa umaga maliligo ka sa banyo
Papasok ka sa eskwela, manghihingi ka ng baon
Kung titingna'y wala kang pinagkaiba sa lahat
Ngunit sa 'yong isipan ay may nabubuong alamat
Ng isang makatang laging titingalain ng lahat
Mga awit na ikaw lang ang may alam ng pamagat
Na balang araw ay sasambitin, awit mo'y kakantahin
Ng lahat ng batang tulad mo na may pangarap rin

Ngunit ngayo'y nagsisimula ka pa lang
Di mo hahayaang pigilan ang 'yong bawat hakbang
Kahit na ito'y mabagal na parang nakasaklay
Ang mga pangarap mo ang syang sandata mong taglay
At walang makakapigil, kahit minsan ay parang
Wala ka nang maayos na lupang pwedeng lakaran
Ngunit pagdating ng araw at naro'n ka na
Sabihin mo sa 'kin kung pa'no mo ginamit ang tinta
Pwedeng asul
Pwedeng itim
Pwedeng pula
Pwedeng iba, ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila
Sila na syang makikinig at kakabisado ng kanta
Ngayon sabihin mo sa akin, paano mo ginamit ang tinta

Ahh ahh ahh ahh ahh
Ahh ahh ahh ahh ahh