Gloc-9
Bahala Na
Ito ba talaga ang buhay ko, bahala na
Ganyan lang talaga ang buhay kaya kumapit ka

Akalain mo nga naman
Dahil ako na naman ang
Babanat sa mic na 'to
Sige sumakay ka sa bike na 'to
Ang tulang ito'y
Hinahandog sa mga ka-chokaran kong palaging talo
Sa mga laro ng buhay
Gusto mo ng chicken, pagtingin mo gulay
Malunggay na hinaluan ng tuyong tira
Pagkatapos mong kumain ay walang tinga
'Pag hinatulan ay 'di ka pwedeng umapila
Birthday mo pala bakit di ka kinumbida
Ang panget mo!
'Yan ang sinasabi sayo ng nanay mo!
Mga kapatid na palagi kang ginugulpi
Bumbilya mo na laging pundi
Niligawan ang klasmeyt mo
'Pag nilalapitan ang sinasabi nya sayo, Pwe!
Ngayon ang enrollment nyo
Humingi ka ng pera sabi ng itay mo, Che!
'Pag namamasyal laging Luneta
Aparador mo na lumang maleta
Mga damit na walang etiketa
Buhay na parang isang roleta
Ng kapalaran palaging bokya
Kamote na hindi makakopya
Sa teacher na parang si Miss Tapia
Ang grade ko ay parang lumang hopya
'Di bale na ganyan lang talaga ang buhay
Parang damit sa tindahan na ukay-ukay
Ano man ang ating gawin
Kapalaran nati'y haharapin
Tara!
Ito ba talaga ang buhay ko bahala na
Ganyan lang talaga ang buhay kaya kumapit ka

Tumaya ka sa lotto, nanalo ka
'Di mo pa dinidigahan, sinagot ka na
Lahat ng mga bagong kotse meron ka na
Pati alahas na masakit sa mata
At mabigat sa braso, 'di pwet ng baso
Ang bahay mo na kasing laki ng palasyo
Damit na bagong bili ginawang retaso
Madalas ka pa sa bangko kaysa sa banyo
Sa dami ng pera mo gamit na wallet ay bag (Hoy!)
Kumakain ng tuyo sawa na sa baboy
Malakas ang dating kasi naman ang mukha mo'y
Parang isang piraso ng inukit na kahoy
Tinawagan mo pa lang tanggap ka na
Pasado ka sa test sa isang kisapmata
Ano unang araw ng trabaho boss ka na
Laging nakaupo may taga-utos ka pa
Kinunan ka ng picture akala mo'y
Hindi ka naka-video pero karakas mo'y
Nagkalat na sa Youtube kaya ngayo'y
Sikat na para ding moymoy palaboy
Paborito ka ng teacher mo
Laging orig ang mga t-shirt mo
Kahit saang lupalop ka pumunta
Ay lagi kang naka hatid-sundo
Tingnan mo sundan mo ang lahat
Ng mga inuutos ko
Yan ang palagi mong sinasabi pare
Daig mo pa nga ang pangulo
Ng barangay hall
Kaso lang narinig mong biglang tumilaok ang manok
Panaginip lang pala pano yan tanghali ka na
Nagmamadali kang bumangon kaso lamang
Nabagok napakanta na lang
Di lamang ikaw ang may dinadala
Tumingin ka sa paligid nariyan lang
Nariyan lang

Ito ba talaga ang buhay ko bahala na
Ganyan lang talaga ang buhay kaya
Kumapit ka

Ito ba talaga ang buhay ko bahala na
Ganyan lang talaga ang buhay kaya
Bahala na