Gloc-9
Isang Araw
Biyernes ng umaga, paggising ko pasok sa 'skwela, nalilito, may exam ngayon
Napipikon, 'di ko malaman kung sa'n ako lilingon
Para makakuha ng sagot kapag bumagsak, ako'y malalagot
Kay ermat, erpat, sipa, tadyak, ilabas ang kodigo, baka makalusot

Sa teacher kong apat ang mata, nakasalaming kasing kapal ng tabla
Palakad-lakad, lapad-lapad, buti na lamang, ako nama'y nakapasa
Kung hindi mapipilitan na naman akong ulitin ang lahat ng mga pangyayari
Katulad ng minsan, ako ay nagbyahe at nakilala 'tong malupit na babae

Sa may QC, pangalan ay Debbie, nag-aabang siya ng taxi
Tinitigan ko siya ng mata sa mata, sinabi kong "You look lonely, do you wanna go somewhere?"
Plak, nagka-bituin ang aking paningin
Bumakat ang kaniyang kamay sa'king mukha, pagkatapos akong sampalin

Pero ngumiti siya, may kinuha sa bag at sinabing pwede ko daw ba syang matawagan?
Kaya binigay niyang kaniyang calling card sa akin na animo'y parang humahalik sa hangin
Kaso lang napagkamalan kong calling card niya na ticket ng bus
Naitapon kong kasama ng isang baso ng juice
Sinubukan kong hanapin do'n sa may Sta. Cruz
At baka sakali na ang landas namin ay mag-krus

Kaya pumasok ako sa isang eskinita at tinanong ang kauna-unahan na nakita
Dahil baka sakaling kaniyang nakikilala ang babaeng animo sa'kin ay isang diwata
"Manong, nakikilala niyo pa ba? Sino ba 'yon?
Ano nga bang pangalan niya, teka, Girlie ba 'yon?"
Oo, kanina pa naghihintay sa'yo doon
Lapitan mo, ayun nakaupo sa may balon
'Eto ba siya? Bakit parang hindi yata ito?
Maganda siya kaya sige, napasubo ako
Teka lang, teka muna, ako'y litong-lito
Nangyayari lang 'to sa mga guni-guni ko
Na para bang nagmamaneho ng isang bagong-bagong auto
Marami nang pera, nanalo pa sa lotto
Walang kumakalaban at lahat bumibilib, hindi naghihintay, hindi naiinip

Teka lang, mabalik tayo sa kabilang kwento ko
Habang naglalakad ay nakasalubong ako ng hip hop na metal
Punkistang bungal, natapilok kaya na-shoot sa kanal
Tinulungan ko, kawawa naman kasi 'di na niya makita limang pisong pambili
Ng suka na gagamitin ng kaniyang inay para may sawsawan ang kaniyang masibang itay

"Salamat, huh, ang bait mo pala"
'Pag dating sa kanila
Ako lang ang 'di pinakilala sa kapatid niyang si Girlie at sa pinsang si Debbie
Gulong-gulo at ako ay hindi mapakali

Para bang ang lahat ng mata'y sa'kin nakatingin
At hindi ko malaman kung ano ang aking gagawin
Kasi ba naman parang walang malabong nangyari
Sa'min nitong mga kaharap kong panalong babae