Gloc-9
Demo Tape (Interlude)
Isang araw papunta ako sa bahay ng aking tropa
Kasi sabi nya 'tol heto na meron na 'kong nakuha
Na drum machine para ma-record na natin ang rap mo
Tara na bilisan mo bago pa dumating ermat at erpat ko

Sige bumili ka ng blank tape
Magbaon ka ng hotcake
Wag ka nang mag-doorbell 'di naman naka-lock ang aming front gate

Lumipas ang ilang oras at sa wakas ay limang kanta ang aming natapos
Agad akong umuwi samin nagbihis at isinuot ang sapatos na
Luma't mabaho ay pudpod ang swelas pa
Aalis na 'ko 'Nay
Sige mag ingat ka

Sumakay ako ng jeep
Ako'y inantok at agad akong napapikit
Isang oras ang dumaan di ako nainip
'Eto nga pong bayad
Dyan na lamang ako sa tabi o sige na dali

Ako'y bumaba sa Cubao
Fishball na medyo hilaw
Ang tanghalian ko wow!
Sana ay di maligaw
Dahil eksakto lang ang dala kong pamasahe
'Di pa 'ko sumisweldo at 'di pa rin nakabale
Sa amo ko na masungit
Amo ko na kuripot
Amo ko na walang alam gawin kundi umikot at maghanap ng mali na ginawa ng kanyang mga tauhan
Ang sarap mong sampalin at ang sarap mong batukan hops!
Mabalik tayo sa Cubao
Matapos ang tanghalian kong fishball na hilaw hoy!
Parang kulang yatang pera na 'yong inabot
Natapunan pa ng toyo'ng polo kong suot
Pasensya na ok lang pero nakasimangot
Binigyan na lamang ako ng dalawang balot
Tapos naglakad ako papunta sa lugar na kung saan
Ay nandoon ang record label na
Susubukang mapasok at maibigay
Ang demo tape ko na ito malapit na ako
Nandito na ako
Papasok na ako
Kinakabahan ako pero ito talaga ang gusto kong gawin

Ang maging rap star na parang rockstar
Magandang sports car kaso lang may guard

Saan ka pupunta?
Meron po akong demo tape na dala
Pero alam ba nila teka sino ka tumawag ka na ba
Iniintay ka ba pano yan di pala?