[Chorus: Regine Velasquez-Alcasid]
'Di ko sana binitawan ang iyong mga kamay
At sa paglipas ng taon, ako sa'yo ay sumabay
Alalayan at masamahan ka sa huli
'Yan ay 'di ko ginawa
Noong ikaw ay akin pa
[Verse 1: Gloc-9]
Paggising sa umaga, diretso sa banyo
Naligo ng maaga, nilakasan ang radyo
Habang pinili ang paborito kong damit
Na ginamit ko (Na ginamit ko)
Nung tayo'y magkakilala
Lumabas ng bahay, tumingala sa langit
Kahit na tulala ay mahinang inaawit
Sa 'king sarili ang himig na nadinig
Sa radyo noon (Sa radyo)
Nung tayo'y magkakilala
[Chorus: Regine Velasquez-Alcasid]
'Di ko sana binitawan ang iyong mga kamay
At sa paglipas ng taon, ako sa'yo ay sumabay
Alalayan at masamahan ka sa huli
'Yan ay 'di ko ginawa
Noong ikaw ay akin pa
[Verse 2: Gloc-9, Regine Velasquez-Alcasid]
Kahapon ay nanggaling ako sa manggagamot
At ang laman ng hangin sa baga'y 'di aabot
Kahit nalaman ay 'di naman ako galit
Ibinaling ko sa dami ng naalala
Tanong ko sa aking sarili, ano ang gagawin ko?
Lahat ng tila imposible, pagkakasyahin ko
[Verse 3: Gloc 9]
Lalangoy sa dagat, maliligo sa ulan
Maghahap ako makahiya sa damuhan
Habang lumalakad ng nakapaa sa putikan
Ang oras ay ngayon walang tanong na kailan
Asintahin mga bituin, pagmamasdan ng mabuti
Magbebenta ng mura, 'di bale na kung malugi
'Wag kang mag-aalangan, bawasan ang muni-muni
Dapat 'di ka natatakot, bahala na kung mahuli
Aking sasabihin ang lahat aking gusto kong sabihin
Lulusungin ang lahat ng gusto kong sisirin
Mailap na kasaguta'y aking hahanapin
Ang mga mahal sa buhay ko ay aking yayakapin
Lumuhod sa Ama, tumingala na ang maling nagawa, mabaliwala
Ang paalam ay isang malungkot sa salita
Lalo na kung marami ka pang hindi nagawa
Kaya sabihin mong mahal mo siya
Bago mahuli ang lahat, kalagan mo ang dilang-kagat
Tapos bumalik sa umpisa para lang humina lahat
At marinig mo ang tama't tapat
Dahil ang buhay natin ay hiram, 'di alam kung kailan
Oh, kung ga'no kaiksi ang panahong nakalaan
Buhay natin ay hiram ‘yan ay dapat mong alam
Dahil ang kahapo'y 'di na natin pwedeng balikan
[Chorus: Regine Velasquez-Alcasid]
'Di ko sana binitawan ang iyong mga kamay
At sa paglipas ng taon, ako sa'yo ay sumabay
Alalayan at masamahan ka sa huli
'Yan ay 'di ko ginawa
Noong ikaw ay akin pa
'Di ko sana binitawan ang iyong mga kamay
At sa paglipas ng taon, ako sa'yo ay sumabay
Alalayan at masamahan ka sa huli
'Yan ay 'di ko ginawa
Noong ikaw ay akin pa
[Outro]
Noong ikaw ay akin pa
Noong ikaw ay akin pa