Gloc-9
Siga
[Quest:]
Ohhhhh…

Sino ang maton may pusong ‘di mamon
Walang atrasan sa mga laban kahit sinong maghamon
Ako’y isang maton at tila kamagong
Ang aking pagkalalaki kahit sino’ng magtanong

Dahil ako’y siga, ‘di mahina
Ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan
Papalag ng matigas

Ako’y siga, ‘di mahina
Ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan
Walang inuurungan

[Gloc 9:]
Tato sa balat, palitong kagat
Pag ako’y lumapag ay tiklupan lahat
Kay bilis kumaripas walang kaparehas
Kasing tigas ng braso ko ang malamig na rehas
Ako lang ang may kalyo, may kalyong parang bato
Sa dami ng sinapak ang lahat pinakaba ko
Parang yelo sa bulok na ngipin nakakangilo
Pag tinamaan sa panga sigurado kang hilo
Ano ba talaga? (ano ba talaga?)
Ang tunay na kahulugan (ang tunay na kahulugan)
Ng katagang siga (siga, siga)
Subukan nating kalagan
Laging kinakatakutan
Sakit sa katawan pag ika’y inabutan
Walang makapalag kahit na may binatukan
Balde ng kamao ika’y pinapaliguan
[Quest:]
Ako’y siga, ‘di mahina
Ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan
Papalag ng matigas

Ako’y siga, ‘di mahina
Ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan
Walang inuurungan

[Gloc 9:]
Sa panahon ngayon, iba na, nilalaman pahina
Basahin mo, lumapit ka, ‘wag kang bibitaw, kumapit ka
Tawagin mong sinungaling parang kabaluktutan na pinilit maibaling
Upang maging deretso, baguhin ang palaging
Gamit na panindak kahit walang paha-pahaging
Dahil kung minsan ay hindi lamang puro tigas
Pakuluin nang lumambot ang butil ng bigas
Sa bawat hibla ng palay, tatahakin ang tama kahit na maputik at madulas
Sino ba ang duwag, basag ang mukha, hindi sumalag ngunit sa gapos ng buhay, pumiglas kinalas
Pagkain para sa pamilya, sa hapag nilapag
Yan ang siga

[Quest:]
Sino ang maton, may pusong ‘di mamon
Walang atrasan sa mga laban kahit sinong maghamon
Ako’y isang maton at tila kamagong
Ang aking pagkalalaki kahit sino’ng magtanong
Dahil ako’y siga, ‘di mahina
Ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan
Papalag ng matigas

Ako’y siga, ‘di mahina
Ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan
Walang inuurungan

[Gloc 9:]
Kahit ano mang gamit
‘Di mo kayang durugin ‘to
Ooh whoa oh oh oh oh oh
Kahit ano mang galit
‘Di mo kayang takutin ‘to
Kahit takutin sunugin
Ang tapang na dala’y

[Quest:]
Matapang pagdating sa kapakanan ng iba
Maangas kapag kaharap ang hamon ng iba
‘Di pasisindak sa takot at kaba
Gabi-gabi digmaan ng kanyang mga tato
Kahit bugbog sarado 'di magpapatalo
Kapag pinabagsak agad-agad bumabangon
Ipakita ang tikas, ilabas ang gilas
Itaas ang bandila ng makabagong siga
[Quest:]
Ako’y siga, ‘di mahina
Ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan
Papalag ng matigas

Ako’y siga, ‘di mahina
Ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan
Walang inuurungan

Ako’y siga, ‘di mahina
Ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan
Papalag ng matigas

Ako’y siga, ‘di mahina
Pag tumawag sa taas
Kahit sa anong bakbakan
Walang inuurungan