Gloc-9
Norem
[Chorus: J. Kris]
Dami ng gustong kumuha
D'yan na lang sa may bangketa
Para 'di masyadong kita
Ng mabenta ko'ng paninda ko, oh-oh, oh-oh
Ano ba 'to? Oh-oh, oh-oh
Binebenta ko, oh-oh, oh-oh
Pano ba 'to? oh-oh, oh-oh
Ako lang ang meron nito

[Verse 1: Gloc-9]
Alas dose, hating gabi
Pwedeng pa-gramo-gramo kung gusto bumili
Abutan ng bayad sa may tabi-tabi
Ingat lang dahil baka may makasalisi
Makinig sa istorya, do'n sa may Divisoria
Alamin ang lahat tungkol sa anak ni Aling Gloria
Palagi nasa lansangan kahit na maalinsangan
'Di siya nag-aalinlangan basta't tamang bentahan
Kaya ingat lang sa kapkapan baka magkabakbakan
May bakal ka ba na dala na katulad nila sinubukang lumaban
'Wag niyo akong tutularan sa tabi ng kaniyang pangalan
May dugo na namang bumaha sa daan na kailangang punasan
Kailan kaya matututo, 'wag matigas iyong ulo
'Di nakuntento sa porsyento, dividendo kilo-kilo
Napariwara na ba ay ilan, sagot laging tanong ay kailan
Ilan pa bang buhay ang dapat masira't kailangang hanguin sa putikan
[Refrain: J. Kris]
Paninda ko, oh-oh, oh-oh
Ano ba 'to? Oh-oh, oh-oh
Binebenta ko, oh-oh, oh-oh
Pano ba 'to? Oh-oh, oh-oh
Ako lang ang meron nito

[Verse 2: Abaddon]
Ako na lang ang meron, wala na dito sa'min
Mga isdang kasabaya'y naprito na't nadaing
Sistemang mapanlamon, ang dami kong inihain
Handa 'kong mamatay dahil may dapat na buhayin
Pamilyang umaasang matulungan sila
Buo kong nilunok ang kaba kahit maputol ang paghinga
'Di pwedeng ako'y makulong lalaban ako kahit mag-isa
Sabog ulo man o palit ulo kahit pa magturo ng iba
Nakulong na si kosa, nanlaban na si tropa
Pasensya na kayo, kailangang maabot ang kota
Para 'to sa pang-suporta, wala nang makakakontra
Trabaho lang, walang personalan, bago lumayo ng sobra
Sa espadahan ng sungay, kailangan ikaw ay mahusay
Kailangang masigurado ko ang kinabukasan ng aking pamilya bago humandusay
'La akong pakialam kung marami na nabiktima at nahulog sa hukay
Mga ilang kilo na lang ay titigil na din ako sa ganitong hanapbuhay

[Bridge: Gloc 9]
Tropang gising tropang gising tropang gising sing
Mga praning mga praning mga praning ning
Laging gising laging gising laging gising sing
Mga praning mga praning mga praning ning
[Drug Dealer]
"Gusto ko na talagang magbagong buhay
Kasi lumalaki na 'yung mga anak ko"

[Verse 3: Shanti Dope]
Mamang nakaputi, pwede ka bang lumingon? (Uh)
'Nong tinda mo sa'yong munting kariton?
Ang bibig ko'y tikom lang kita'y lalago
Basta may libreng tikim sa iyong nilalako
Sabi ko noon kay inay, kaya ko na pong mag-isa
Sa pagbabalik ko ultimo sa mga ngipin ko'y walang natira
Sa kada pagpikit ko nagtatanong sa sarili nang maiba
Papa'no kung maaga ko dapat asahan ang aking mabatong lapida, kaya
Kahit na 'ko'y dilat, hirap manalamin kung kaninong bungo 'yung kaharap ko sa salamin
Pero kahit madalas mapraning, bihasang-bihasa na 'to pagdating
Sa galawan ako lamang ang tanging biktima at ang salarin
Pinugad ang kagipitan, salapi't kaibigan
Habang buhay dinala, kasiyahan na panandalian
Mundong nilasap ko nang matagal kahit pa sabik pa 'kong iwan
Kaso sa huli, rehas at libingan lamang ang pwede kong pagpilian

[Chorus: J. Kris]
Dami ng gustong kumuha
Dyan na lang sa may bangketa
Para 'di masyadong kita
Ng mabenta ko'ng paninda ko, oh-oh, oh-oh
Ano ba 'to? Oh-oh, oh-oh
Binebenta ko, oh-oh, oh-oh
Pano ba 'to? oh-oh, oh-oh
Ako lang ang meron nito
[Outro: J. Kris]
Ako lang ang meron nito
Ako lang ang meron nito