[Intro: Keiko]
Kahit pumikit
Kitang-kita sa bintanang maliit
Maalat na tubig
Pupunasan ng panyong punit-punit
Kahit tahimik, bakit tila 'di ako naririnig
Kamang masikip
Ang maghahatid sayo hanggang langit
Silayan kahit sa huli
[Chorus: Gloc-9]
Anong okasyon?
Bakit ang dami kong dalaw?
Meron pang rasyon, biskwit at kapeng umaapaw
Kaibigang ngayon ko na lang nakaulayaw
Ng ilang taon
Parang espesyal na araw
[Verse: Gloc-9]
Hoy pare, bakit ka napadaan?
Huwag mong sabihin na mangungutang ka na naman
Ba't 'di mo subukan na gumawa ng paraan
Nang mabayaran mo yung nakuha mo nung nakaraan?
'Di bale na para sa inaanak ko na lang
Pero 'tol baka pwedeng maawa ka naman
Tama nang batak humatak kaya palaging may sapak
Kailan mo kaya lubusang maiintindihan?
Alak sugal bato batopik
Lumang baraha talunan sa tong-its
Taguan sa parak tatakpan ka ng komiks
Itanong mo sa sarili mo
Pano ba 'to, its
Wala kang mapapala maniwala ka samin
Dito ay hindi nagbabago ang ihip ng hangin
Kung walang makasama pilitin mong kausapin
Alam naman natin na puwede kang magaya sa akin
[Chorus: Gloc-9]
Anong okasyon?
Bakit ang dami kong dalaw?
Meron pang rasyon, biskwit at kapeng umaapaw
Pamilyang ngayon ko na lang nakaulayaw
Aking propesyon
Lahat ng oras ko'y ninakaw
[Hook: Keiko]
Aking asawa't mga anak
Lakas ko na syang nagtutulak
Upang kayanin ko ang lahat
Hanggang ako'y 'di na mamulat
Aking asawa't mga anak
Patawad kung kayo'y nasadlak
Sa ganitong buhay nga
Pala may perang naka-padlock
[Keiko]
Kahit pumikit
Kitang-kita sa bintanang maliit
Maalat na tubig
Pupunasan ng panyong punit-punit
Kahit tahimik, bakit tila 'di ako naririnig
Kamang masikip
Ang maghahatid sayo hanggang langit
Silayan kahit sa huli
[Chorus: Gloc-9]
Anong okasyon?
Bakit ang dami kong dalaw?
Meron pang rasyon, biskwit at kapeng umaapaw
Bakit po ngayon ko lang kayo nakaulayaw?
Habang panahon, marami lang gustong malinaw
[Verse: Gloc-9]
Huwag Nyo po sanang masamain
Kung ano man itong bagay na aking gagawin
Hindi naman po galit ang mga nakatanim
Kundi mga hinaing na binubulong ng palihim
Alam ko po na malabo akong makarating
Sa bahay Nyong malayo pa sa mga bituwin
Isa lamang po naman ang tangi kong hiling
Lahat ng aking mga katanungan inyong sagutin
Bakit may mga sakit na hindi malunasan?
Luha ng mga bata na hindi mapunasan
Mga may kasalanan na hindi maposasan
Dungis sa kababaihan na 'di mahugasan
Bakit may gutom sa hirap ay lubog?
Habang ang iba'y parang hindi nabubusog
Siguro ay hindi na Kayo mapagkatulog
Sa tunog kapag sabay-sabay kaming dumudulog
Bakit may limos ano ba ang bigay?
Bakit may anak na nauunang mamatay?
Sa mga magulang para ilibing
Lungkot na wala yatang dapat makatikim
Mga aral na tinuturo at nagmula sa
Mga salitang sinulat Nyo daw at pinasa
Sa mga tao na nag-uutos ng kabutihan
Pero bakit may mas mabuti pa na 'di nakabasa
Sila pang mga naiwan sa tahanan Nyo
'Di naman dinidiligan ang halaman Nyo
Gamit ang perang nahakot sa pangalan Nyo
Sinasabi ko lamang para malaman Nyo...