Gloc-9
Papel
[Intro: Joey Ayala, Denise Barbacena]
Ikaw ba'y may papel?
Na'san ang iyong papel?
Ano ang iyong papel?
Papel
Papel
Papel
Papel

[Verse 1: Joey Ayala]
Magmula pagsilang, tayo ay pumapapel
Ang timbang at alay, ini-record sa papel
Birthday at magulang, sa papel masusulyap
Ito ang katibayan na tayo nga ay taong mapapel

[Verse 2: Joey Ayala with Denise Barbacena]
Pagpasok sa eskwela, ang bitbit nati'y papel
Natutong magbasa at sumulat sa papel
Ilang taong tinahak ang papel na daanan
Patungong graduation na diplomang nakalukot na papel
Papel

[Pre-Chorus: Joey Ayala with Denise Barbacena]
Paghanap ng trabaho, ang hanap ay papel
At ng matanggap abay kay bosing pumapel
Nang magtagumpay ay lumapad ang papel
Papel
[Verse 3: Joey Ayala]
Tuwing kinsena't trenta may pasweldo na papel
Nagkaroon ng credit card, pautang na papel
At nang 'di nakabayad, ang papel ay nabasa
Kumayod, nagsumikap nang maayos at dumami ang papel

[Verse 4: Joey Ayala]
Nang may mapusuan, nag-I love you sa papel
Nang magkatuluyan, nagpirmahan sa papel
At nang magkapamilya, ang papel nadagdagan
May lupa, bahay, tubig at kuryeteng babayaran ng papel

[Chorus: Joey Ayala with Denise Barbacena]
'Pag wala kang papel, wala kang papel
Hindi ka makaporma, di ka makapapel
Maihahatid ka nya sa heaven o sa hell
Papel
Pag wala kang papel, wala kang papel
Hindi ka makaporma, di ka makapapel
Maihahatid ka nya sa heaven o sa hell, papel

[Bridge: Gloc-9 with Denise Barbacena]
Kapag nagkasakit, ang reseta ni dok ay sa (Papel)
Pag naoospital ay kailangang lagdaan ang (Papel)
Kung masasawi, pangalan ng patay ay nasa (Papel)
Sige basahin mo kung sino ako sa libro na gawa sa (Papel)
Tsike, pasaporte, lisensya (Papel)
Rehistro, titulo, sedula (Papel)
Resibo, selyo, balota (Papel)
Pati tissue pamahid sa lungkot man o ligaya (Papel)
[Verse 5: Joey Ayala with Denise Barbacena]
Hindi maiwasang maalipin sa papel
Diwa mo't damdamin ay linawin sa papel
Kapag ang iyong hangarin ay sa papel tinapat
Ito ang susundin ng kaganapang umiikot sa papel, papel, papel, papel

[Verse 6: Joey Ayala with Denise Barbacena]
Ang nais makamtan ay i-drawing sa papel
Ang nais marating ay i-mapa sa papel
Ang mga hakbangin ay sa papel ihakbang, (papel)
Papel
Papel mo sa sarili, papel mo sa agham
Papel mo sa bayan at sa sanlibutan
Kung ikaw ay maligaw, papel ay balikan
Papel

[Chorus: Joey Ayala and Denise Barbacena]
'Pag wala kang papel, wala kang papel
Hindi ka makaporma, di ka makapapel
Maihahatid ka nya sa heaven o sa hell, papel
Papel
Hey!

[Outro: Gloc-9, Denise Barbacena]
Kontrata sa gobyerno, negosyo (papel)
Pasado o bagsak man na grado (papel)
Lahat ng balita sa dyaryo (papel)
Lalo na ang mga pera mo sa bangko (papel)