[Verse 1]
Kay tagal kong hinahanap na lagi lang naka abang
Nasa'n na aking pangarap? Patabang nang patabang
Piso-piso kong kinalap, ba't nagka utang-utang?
Sa pag-asa kung mayakap, basta't sagutin mo lang
[Chorus]
May sahod na ba, na ba, na ba?
May sahod na ba, na ba, na ba?
May sahod na ba, na ba, na ba?
May sahod na ba, na ba, na ba?
May sahod na ba?
[Verse 2]
Patingin ng bayarin ng tubig at bahay
Oh, tiis-tiis na muna tayo sa lumang tinapay
Sira na ang relo pero nandyan naman si tatay
Hoy, bumangon ka na d'yan at 'wag kang magpa patay-patay
Tanghali na, puro ka 'di bale na
Kailan ka magbabayad? Pangako mo nabali na
Parang boss ko sa trabaho, palaging naga-galit
Bakit para siya ay may ugali na
'Di medyo maganda, parang 'di mabango
Wala kang magawa, kailangan mo ang trabaho mo
Kahit napa ka lansa ng hasang, sisinghutin mo nang mahaba
Umabot lang ang pisi sa taling ito (Taling ito)
Kasi pinagkakasya ko na lamang ang baon ko
Kapag na-hulugan ng piso, kulang na ang pamasahe ko
Ganun talaga buhay, nong masasabi ko?
Teka, magkano na ba ang nabali ko?
[Chorus]
May sahod na ba, na ba, na ba?
May sahod na ba, na ba, na ba?
May sahod na ba, na ba, na ba?
May sahod na ba, na ba, na ba?
May sahod na ba?
[Verse 3]
Pagpatak ng a-kinse o a-trenta, eto na
Para bang kayang bilhin na lahat ng tinitinda
Ba't 'di mo iniinda ang salaping iniitsa?
Winawasiwas na sulo dito sa gubat ng mitsa
Animo'y 'di mauubos kahit na alam mong kulang
O kay hirap kumilos kung lumulutang ka sa utang
Paulit-ulit na lang, mahirap makalimutan
Mabuti nang mabuti kung mayro'n kang mayamang magulang
[Verse 4]
Pahingi, kasama na ang pang-inom at gimik
Tabingi, mga matang sa gutom ay tumirik
Madali, lang naman solusiyon at pamihit susi
Sa lahat ng mga makitid mo na palugit
Sa tuwing pinagkakasya mo na lamang ang baon mo
'Pag nahulugan ng piso, kulang na'ng pamasahe mo
Gano'n talaga ang buhay, anong masasabi ko?
Teka, magkano na ba ang nabali ko?
[Verse 5]
Kay tagal kong hinahanap, lagi lang nakaabang
Lasa ng aking pangarap, patabang nang patabang
Piso-piso kong kinalap, ba't nagkautang-utang?
Sa pag-asa kong mayakap, basta't sagutin mo lang
[Chorus]
May sahod na ba, na ba, na ba?
May sahod na ba, na ba, na ba?
May sahod na ba, na ba, na ba?
May sahod na ba, na ba, na ba?
May sahod na ba, na ba, na ba?
May sahod na ba, na ba, na ba?
May sahod na ba, na ba, na ba?
May sahod na ba, na ba, na ba?
May sahod na ba?