Gloc-9
Gera gera
Gera gera
Mag-ipon na ng mga bala
Magdidilim na ang planeta
Ihanda na ang mga gasera

Gera gera
Mag-ipon na ng mga bala
Magdidilim na ang planeta
Ihanda na ang mga gasera

Pawis na pawis ang aking mga kamay
Kinakabahan ako'y halos mahimatay
Agos ng mga pangyayari lahat ay natangay
Bago umalis ako ay nagpaalam kay inay
Mag-ingat ka anak delikado sa labas
Baka mabutas ang supot ng isang kilong bigas
Mabasag ang bote ng mantika na pampadulas
Ng pinto ni satanas tumingala ka sa taas
'Wag kang titingin sa baba lalo na kung malulain
Pailalim hihilahin 'pag huminga ng malalim
Na parang sinasakal pinuluputan ng baging ang leeg
Manginig kahit di malamig ang hangin
Mainit na dugo, lalamunan na tuyo
Madami na mga nahuli ilan na ba nabigo
Buhay ang nakataya tagu-taguang laro
Lahat tayo ay kasali 'di ka pwedeng magbiro dito sa
Gera gera
Mag-ipon na ng mga bala
Magdidilim na ang planeta
Ihanda na ang mga gasera

(Gera) Ang pumapatay hindi mga armas
(Gera) O karamdaman na wala pa daw lunas
(Gera) Sa panahong burado ang mga antas
(Gera) Mga kumukumpas lang ang kumakaltas
(Gera) Sa kaban ng bayan may tapayan na butas
(Gera) Tuloy-tuloy ang pag agos ng katas
(Gera) Mula sa puno na ilan lamang ang syang pwedeng makapitas
(Gera) Kailan pa kaya tayo maililigtas dito sa gera

Sino nga ba ang kalaban
Sino nga bang panggulo
Yun bang dala dala ng hangin
O yung haring may dala-dala sa ulo
Sumabay sa koro ng...

Gera gera
Mag-ipon na ng mga bala
Magdidilim na ang planeta
Ihanda na ang mga gasera

Gera gera
Mag-ipon na ng mga bala
Magdidilim na ang planeta
Ihanda na ang mga gasera
Gera gera
Sino ba ang syang tunay na kalaban?
Gusto ko lang talaga na malaman upang ang lahat ay maliwanagan

Gera gera
Sino ba ang syang tunay na kalaban
Gusto mo ba talaga na malaman
Hanging madumi yung mahanging gahaman