Gloc-9
ABAKADA
[Interlude]
'Di ko kailangan kunin kung anong sa'yo
Alam ko kung anong pinaghirapan ko
Hayaan mo na lang iba ang pumuna
Kung meron ka bang dala-dalang

[Chorus]
Abakada nagbabagang bala
Mga letra na parang granadang
Sumasabog 'pag tumutugtog
Sa larangang pakapalan ng apog

(Mark Beats, Mark Beats, Mark–)

[Verse]
Marami na ang syang nahasa
Mahuhusay na mga bata
Sumusulat ng talata
Bihira na yata ang medyo namumutla
Nakahanda na patunayan
Mga nakikipagsabayan
Ang mapikon ay kawawa
Pagkat mayroong nais lang ay ang mangutya

[Pre-Chorus]
'Di ko kailangang kunin kung anong sa'yo
Alam ko kung anong pinaghirapan ko
Hayaan mo na lang iba ang pumuna
Kung meron ka bang dala-dalang
[Chorus]
Abakada nagbabagang bala
Mga letra na parang granadang
Sumasabog 'pag tumutugtog
Sa larangang pakapalan ng apog

[Rap Verse]
Nagsimula ako no'n ganito palang bumanat
Ng mga sinulat kong pilit na kinakalat
Tuloy-tuloy pa rin kahit palaging inaalat
Magpakilala pangalan ko ay mailamat
Nakinig nang nakinig sa mga awitin ng buto-buto
Kahit pa inuubo, sinikap ko talagang makabisado ito
Huwag nyo na muna 'kong tanungin
Kung magkano noon ang kinita ko
'Di naman ako do'n nakatingin kahit nakakasilaw ang nasa paligid nyo
Nakalimutan nyong–

Pinuno ko'ng maleta
Kahit pa nakakadena
Tagahugas, tagalinis
Tagapunas ng banyo't kubeta
Walisan mo'ng bangketa
Teka meron bang problema
Talagang ganon, haba ng panahon ay
Pinatalas ko'ng lanseta
Pwede ba naman na 'di mo balikan ang bagay na pinili mo kahit nakapikit pa?
Napag-iwanan kasi walang laman ang pitakang pinakamaliit ang kita
Nag-abang ako sa pila
Labanan na patapos 'di pa
Kapag ginawa mo na ang lahat
Ibinigay mo ng tapat
Ay napapalingon ang mga nakakalingat

[Pre-Chorus]
'Di ko kailangang kunin kung anong sa'yo
Alam ko kung anong pinagdaanan ko
Hayaan mo na lang iba ang pumuna
Kung meron ka bang dala-dalang

[Chorus]
Abakada nagbabagang bala
Mga letra na parang granadang
Sumasabog 'pag tumutugtog
Sa larangang pakapalan ng apog

Abakada nagbabagang bala
Mga letra na parang granadang
Sumasabog 'pag tumutugtog
Sa larangang pakapalan ng apog