Gloc-9
Bahaghari
[Chorus: Julie Anne San Jose]
Kahit na gaano pa kadilim
Ang hating gabi lilipas din
Laging tumingala at 'yong tanawin
Pag-asa ay 'singdami ng mga bituin

[Post-Chorus: Julie Anne San Jose]
Kapag umulan at bumaha
Malalim man ay humuhupa
Iipunin ang kulay ng kahapon ko
Para sa bahaghari mo

[Verse 1: Julie Anne San Jose]
Bawat oras na lumilipas, laging hanap ka (Laging hanap ka)
Parang tumakas sa mga rehas upang mayakap ang
Mga alaala natin aking bubuhayin
Upang makapiling ko, pangako ay malalim
'Di sukat akalaing, tayo'y magkakaganito

[Chorus: Julie Anne San Jose]
Kahit na gaano pa kadilim
Ang hating gabi lilipas din
Laging tumingala at 'yong tanawin
Pag-asa ay 'singdami ng mga bituin

[Post-Chorus: Julie Anne San Jose]
Kapag umulan at bumaha
Malalim man ay humuhupa
Iipunin ang kulay ng kahapon ko
Para sa bahaghari mo
[Verse 2: Gloc-9]
Kahit marami ang pagkakasala
Yakap-yakap mula sa gabi hanggang sa umaga
Kalayaan natin na tinatamasa
Kumpara sa mga nasabi na siyang nagpapaasa
Bigla na lang may masamang hangin na nagmula sa
Malayong lupa hindi humupa parang gawa sa
Maliit na bubog at pinong-pino tila hinasa
Kutsilyong tumutusok, bakit ang bilis ipasa?
Kung kanino at kahit na sino
Sa gitna ng kadiliman hanapin mo ang anino
Teka, sinong may dala, sige nga dalhin mo dito
Kapag meron kang nakita, heto, hipan mo ang pito
Pero 'di kaya natin nakakalimutan na
Wala sa'tin ang kalaban akayin ang isa't isa
Pataas hindi pababa, 'wag mabalisa
May kasama ka hanggang dulo mula sa umpisa

[Chorus: Julie Anne San Jose]
Kahit na gaano pa kadilim
Ang hating gabi lilipas din
Laging tumingala at 'yong tanawin
Pag-asa ay 'singdami ng mga bituin

[Post-Chorus: Julie Anne San Jose]
Kapag umulan at bumaha
Malalim man ay humuhupa
Iipunin ang kulay ng kahapon ko
Para sa bahaghari mo
[Outro: Julie Anne San Jose]
Kahit na gaano pa kadilim
Ang hating gabi lilipas din
Laging tumingala at 'yong tanawin
Pag-asa ay 'singdami ng mga bituin