Gloc-9
Bigo
Bibig nakabusal may piring mga mata
Nakagapos ang kamay nakakadena ang paa
Tuwing nakikiusap ay napakaamo ng mukha
'Pag kailangan mo ng tulong ay biglang nawawala

Pwede ba
O pwede ba
Nasa'n na sila

Higaan ay napakalambot
Walang dumadapo ni isa mang langaw o lamok
Sobrang daming perang bibilangin 'di nababagot
Sana lahat ng 'yan balang araw ay aking maabot

Pwede ba
O pwede ba

Kaso lang ako'y alila ng may-ari
Araw ang amoy kapos lamang palagi
Alam mo bang ako'y kabilang sa marami
Na lumalangoy sa hirap ang tawag sa amin
Maralita sa 'Pinas

Sana po ay mapakinggan nyo
Nang malaman nyo ang syang tunay na kalagayan ko
Naniwala sa lahat ng mga pinangako nyo
'Di na alam kung ano ang totoo ako'y nalilito
Pwede ba
O pwede ba

Kaso lang ako'y tinatapakan ng higante
Ayaw mag-apoy kaya upos lamang palagi
Bawat hakbang ako'y nagbabakasakali
At lumalangoy sa hirap ang tawag sa amin
Maralita sa 'Pinas