Gloc-9
Sa ’kin ’Yan
[Intro: Gloc-9]
Ikaw na naman 'di ba kalalabas mo lang ng
Bagong kanta na para bang kailan lang
Ikaw na naman parang kalalabas mo lang
Ng bagong kanta, marami pa
Apir tayo d'yan G-code
Goodson, pang-ilan na ba 'to?
Natumbok mo pare, natumbok mo ng mismo

[Chorus: Gloc-9]
Sino ang polido? Maging ang anino
Ilaw na laging nakasindi kahit kanino
Tawagin mo dito, hipan mo ang pito
Mga letrang malagkit na parang bagong pustiso

[Post-Chorus: Gloc-9]
Turo-turuan kung kaninong hagdan
Ang mas maraming baitang
Ilan na ang hinakbang? Pababa, pataas
Sinong tagapagmana?
Hayaan mong sabihin kong ayaw ko ng korona
Hindi sa'kin 'yan

[Verse 1: Gloc-9]
Dahil ang nais ko lang noon ay makapag—
Sulat ng mga awit kahit na pabalibag
Ang mga tono tinodo ko, medyo malibag
Ang kailangang lunukin 'yan lang ang realidad
Naglalakad nang mag-isa papunta sa opisina
Dala ang demo baka sakaling maipakita
Ang taglay na kanta'y ilalahad kung luto na
Kumain ka na ba ng tanghalian? Hindi pa
'Wag mo kaming tatawagan kaming tatawag sa'yo
Iwanan mo do'n sa guwardya sa harapan ang number mo
D'yan ko laging nilalaan ang parte ng sweldo ko
Sa paglinis ng kusina kung minsan taga-salo
Kalahating sakong bigas, isampa mo do'n sa truck
Hawakan mo ang itlog baka mabasag sa lubak
Ibabawas 'yan sa'yo kapag may isang nabiyak
Kahit na 'di sigurado ay merong isang tiyak
(Gloc-9, ayusin mo)
[Chorus: Gloc-9]
Sino ang polido? Maging ang anino
Ilaw na laging nakasindi kahit kanino
Tawagin mo dito, hipan mo ang pito
Mga letrang malagkit na parang bagong pustiso

[Post-Chorus: Gloc-9]
Turo-turuan kung kaninong hagdan
Ang mas maraming baitang
Ilan na ang hinakbang? Pababa, pataas
Sinong tagapagmana?
Hayaan mong sabihin kong ayaw ko ng korona
Hindi sa'kin 'yan

[Verse 2: Gloc-9]
Sa madaling salita, hindi naging madali
Lahat ng buo na binayad, inipon ko ang sukli
'Pag lahat ay tinatamad, ako'y 'di nag-atubili
Na sipagan, upakan, hulaan kahit magkamali
Basta subok lang nang subok, 'wag bilangin kung ilan
Itinaas ko ang kamay hanggang sa matandaan
Ako ng guro tinuro kung sa'n ang tamang daan
Narating din ang palasyo na tirahan ng ilan
Hindi nahilig sa mga kinang ng mga alahero
O magagarang gulong na kasing ingay ng bumbero
'Pag mabilis ang takbo agad na pumipreno
Kaya bubungan sa'king ulunan pirma ko ang nasa yero
Kahit na dalawang dekadang mahigit na 'kong paos
At kailanma'y 'di ako nasindak sa salitang laos
Ako nang magsasabi sa bangka na tapos na kung tapos
Hindi 'yan kasya sa'kin, alam kong ang ulo ko'y kapos
(Gloc-9, ayusin mo)
[Chorus: Gloc-9]
Sino ang polido? Maging ang anino
Ilaw na laging nakasindi kahit kanino
Tawagin mo dito, hipan mo ang pito
Mga letrang malagkit na parang bagong pustiso

[Post-Chorus: Gloc-9]
Turo-turuan kung kaninong hagdan
Ang mas maraming baitang
Ilan na ang hinakbang? Pababa, pataas
Sinong tagapagmana?
Hayaan mong sabihin kong ayaw ko ng korona
Hindi sa'kin 'yan

[Verse 3: Honcho]
Honcho!
Meron lang akong gustong sabihin
Sa mga dapat na makaalam baka isiping
Kunsintihan 'to at ibahin ang meaning
Kailangan kong sulitin, sulat ko baka silipin
Hoy, gumising, mag-iba ka na, 'wag kang magpapakain
Ng inggit sa katawan ay palayasin, pabagahin
Utak mong kalawangin ay linisin palawakin
Sana mag-iba ka na para isa'ng ating hangarin
At nang magaya ka din sa'kin makasama ka sa awit ni Gloc
Sa'ming lipad kahit na mabigat
Ang imposible ay posible basta magsipag
'Wag kang paawat at gawin dapat ang abilidad
Kasi alam mo na na pwede kang mabilang sa mga tanyag
Pero 'wag masilaw, pwede kang magkaroon ng hindi mabilang
Na tagahanga nakatapat na sa'yo ang ilaw
'Di na kailangan ng korona
[Chorus: Gloc-9, Honcho]
Sino ang polido? (Sino?)
Maging ang anino (Woo)
Ilaw na laging nakasindi kahit kanino
Tawagin mo dito (Dito), hipan mo ang pito (Prrt)
Mga letrang malagkit na parang bagong pustiso
(Honcho!)

[Post-Chorus: Gloc-9, Honcho]
Turo-turuan kung kaninong hagdan
Ang mas maraming baitang
Ilan na ang hinakbang? Pababa, pataas (Pababa, pataas)
Sinong tagapagmana?
Hayaan mong sabihin kong ayaw ko ng korona
Hindi sa'kin 'yan

[Chorus: Gloc-9]
Sino ang polido? Maging ang anino
Ilaw na laging nakasindi kahit kanino
Tawagin mo dito, hipan mo ang pito
Mga letrang malagkit na parang bagong pustiso

[Post-Chorus: Gloc-9]
Turo-turuan kung kaninong hagdan
Ang mas maraming baitang
Ilan na ang hinakbang? Pababa, pataas
Sinong tagapagmana?
Hayaan mong sabihin kong ayaw ko ng korona
Hindi sa'kin 'yan