Gloc-9
Luma
[Intro]
Yeah, yeah, yeah, yeah
Yeah, yeah, yeah, yeah
Yeah, yeah, yeah, yeah
Yeah, yeah, yeah, yeah, yeah, yeah
Nang marinig ko ang bone-bone-bone (bone-bone-bone)
Sinabi sa sarili 'yon-'yon-'yon ('yon-'yon-'yon)
Nang marinig ko ang bone-bone-bone (bone-bone-bone)
Sinabi sa sarili

[Chorus]
Minsan mas mahal pa ang luma
Mas nilalapitan ang mura
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha

[Verse 1]
Nandito na naman ako
Bitbit ang bagong sulat ko
Ibabahagi sa inyo
Saglit po lang naman ito
Ikaw ba ay nalulumbay
At tila 'di makasabay
Sa agos na tumatangay
Gamitin mo akong tulay
Simula nang piliin ko ang landas na
Dapat tahakin ay kailanma'y 'di na'ko bumalik
Naiwanan man ng iba na 'di ko akalain ay medyo mahangin
Sa paanan ay dapat humalik
'Di ko kaya, ni minsan ay hindi ko dinaya
Marunong akong magpaubaya
Kung hindi mo pa talaga oras
Initin na lang ang sopas
At bilangin mo ang lahat ng biyaya
Makukuha mo rin ang sa'yo, ang sa'yo ay sa'yo
Kahit na ano pa man
Ihanda mo na ang pangsalo
May manggulo mang sanggano
Kahit na sino pa 'yan
Tandaan mo ang lahat ng aking sinabi
Hawakan palagi
Dahil ito ang siyang matatawid sa'yo
Kahit na maputukan ka ng labi
Basta lumagari, talasan ang tari
Tuwing maririnig mo 'to
Ang bago ni Gloc

[Chorus]
Minsan mas mahal pa ang luma (ayy)
Mas nilalapitan ang mura (ayy)
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha
Minsan mas mahal pa ang luma (ayy)
Mas nilalapitan ang mura (ayy)
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha
[Verse 2]
Wala namang masama sa maging mahusay
Maipakita mo na ikaw ang may taglay
Sa huli ang isang mahalagang tanong ay
Alam mo ba kung ano ang tunay na tagumpay

Hayaan mo na pabaunan kita ng
Ilang pirasong tinapay bago ka pa man umalis
'Di ito usapan kung sinong pinakamabilis
Kung may makalamang sa'yo, 'di ka dapat mainis
Bagkos ay ikatuwa mo
Gamitin mo upang ang baso mo'y malagyan ng laman
Kunin mo sa mga may duda sa'yong kakayahan
Bumangon ka diyan upang 'di tuluyang madaganan
Para pawisan kailangan mong kumilos
Kasi sa panahon ngayon, bihira nang puro bigay
Bakit tayo tinitipos
Kapag nauutusan natin ang mga nanonood na mag-ingay
Palakpakan at sigawan
Ang tangan na yaman ng mga tulad nating makata
Tama na ang yabang hip-hopang
Hidwaan putik lang ang siyang mapipiga
Sinong matiyaga

[Pre-Chorus]
Naiinip na maghintay
Pagod na sa paghuhukay
Kung ang hakbang mo ay ngalay
Gamitin mo akong saklay
[Chorus]
Minsan mas mahal pa ang luma (ayy)
Mas nilalapitan ang mura (ayy)
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha
Minsan mas mahal pa ang luma (ayy)
Mas nilalapitan ang mura (ayy)
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha
Yeah, yeah, yeah, yeah
Yeah, yeah, yeah, yeah
Yeah, yeah, yeah, yеah
Yeah, yeah, yeah, yеah

[Verse 3]
Akala mo tapos na mga tuhod ay ngalos na
Sa mainit na baga tinusta, kanino pumusta
Sinong kasama sa nilista mga 'di naniwala kumusta
Di mo ba alam hanggang diyan ka lang
Ang laging laman ng mga salita na pinalaman
Anong tinatayo mo diyan, sige kalagan
Dapat palaban, nakahanda ka dapat na halikan
Kahit sa mga makamandag ay lumapit
Mataas mang sipatin ay abutin mong bigla
Hindi masamang sumabit
Dito ka sa kaliwa man o sa kanan
Puwede rin sa gitna, ganyan lang ang buhay
Ang mahusay humandusay ang mga napagbibigyan
Tumayo kahit sumuray
Ang dugo ay siyang patunay mo na pag ibig 'yan
Hindi na kailangan na patunayan, balewala 'yan
Kung 'di kinaya, may pagkakataon pa naman
Kahit na ikaw ay mapilayan ang 'yong kalagayan
Ay nakasalalay, saan mo pinatong ang pinggan
Para meron ka pang magamit
Kung galit man ang langit, 'di ka mabasa ng ulan
Ginawin ka sa gabi na malamig, wala nang nakakarinig
Sigaw mo ng pagkagipit, palagi kang pinapagtaksilan
Sino tandaan mo lang

[Chorus]
Minsan mas mahal pa ang luma (ayy)
Mas nilalapitan ang mura (ayy)
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha
Minsan mas mahal pa ang luma (ayy)
Mas nilalapitan ang mura (ayy)
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha

Minsan mas mahal pa ang luma (ayy)
Mas nilalapitan ang mura (ayy)
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha
Minsan mas mahal pa ang luma (ayy)
Mas nilalapitan ang mura (ayy)
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha