Gloc-9
Kumpisal
[Chorus: Skusta Clee]
Sa dami ng beses na Ika'y tinawag
Para lang humingi sa Iyo ng patawad
Kaya naman paulit-ulit ko itong binabalikan
Dahil sa pangako Mong pagmamahal
Na walang hanggan
Pagpalain mo akong muli
Aakayin ng walang atubili
'Di bibilangin ang pagkakamali
Patawarin Mo akong muli

[Verse 1: Gloc-9]
Bakit naparito ka anak?
Ako po ay nagkasala
Kapatawaran mo ay tiyak
Sa'kin ika'y maniwala
Kita mo naman ako'y tapat para sa inyong pagpapala
Kahit itanong mo sa kanya
Mga mata ko ay dilat sa mga maling akala
'Di nakikita kahit mulat ang mga pangdaraya
Ang kasamaan ba'y may ugat?
Sino ba ang may sala?
Hindi ako, 'yon ang sabi niya

[Chorus: Skusta Clee]
Sa dami ng beses na Ika'y tinawag
Para lang humingi sa Iyo ng patawad
Kaya naman paulit-ulit ko itong binabalikan
Dahil sa pangako Mong pagmamahal
Na walang hanggan
Pagpalain mo akong muli
Aakayin ng walang atubili
'Di bibilangin ang pagkakamali
Patawarin Mo akong muli
[Verse 2: Skusta Clee]
Ilan pong "Ama Namin"? (Ohh)
Ilang "Aba Ginoong Maria"?
Ngunit nang aking silipin (Ohh)
Hindi si "Padre" ang aking nakita

[Verse 3: Gloc-9]
Ang tagal-tagal ko nang gustong magsalita
Para 'di na 'yung mga maling gawa-gawa
Hindi kasi ginagamot kaya namamaga
Ang gabutil noon, ngayon ay malala
Sinabi ko daw ito at ginawa ko 'yan
Nagpakita daw ako sa mga iilan
'Pag hiningan ka ng pera, 'wag maniwala d'yan
'Di mo kilala ang tao na napagkamalan
Basta tandaan mo lang ang sasabihin ko
'Di 'yung pilit na ipinapagawa sa'yo
Sa dami ng sumusumpa sa mundong ito
Alam ko na mahirap hanapin ang totoo
Kung tutuusin ay isa lamang ang kasalanan
Pagnanakaw napakaraming magagawa d'yan
Nakawin ang totoo, kasinungalingan
Ninanakaw ang dangal ng kababaihan
Pwedeng nakawin ang puso ng nagmamahal
Nakawin ang oras mo sa minamahal
Nakawan ang respeto kahit ang hangal
Kapag ninakaw ang buhay, gilitin ng punyal
O kahit ano pa 'yan, basta kinuha mo (Kinuha mo)
Ang kahit kapirasong saya na hindi sa'yo (Hindi sa'yo)
'Wag mong kalimutan 'to, uulitin ko
Kasi napipikon ako sa mga gawi mo
Hindi ka pwedeng mabait sa mga mayayaman
Pero ang mga mahirap ay tinatapakan
Upang magmukhang tuwid lahat binabasahan
Pero ang kanyang katulong ay binabasahan
Kilala ko naman lahat ng mga bulaan
Kahit na umilag ka ay tinatamaan
Para lang mapagtakpan ang mga kasalanan
Palagi mong isinisigaw ang Aking pangalan (Aking pangalan)
[Outro: Skusta Clee]
Kaya naman paulit-ulit ko itong binabalikan
Dahil sa pangako Mong pagmamahal
Na walang hanggan
Pagpalain mo akong muli
Aakayin ng walang atubili
'Di bibilangin ang pagkakamali
Patawarin mo akong muli