Gloc-9
RESBAK
[Chorus: Gloc-9]
Hindi nila maiintindihan
Dahil 'di nila alam ang iyong pinagdaanan

[Verse 1: Gloc-9]
Kung ano man ang amin 'di namin akalain
Binuhos lang ang sipag na may luha sa pasanin
Madami man ang talo at galos sa mukha ko
Tayo lang, punas at pagpag, kukunin sa tiyaga ko
Ako ay bata na taga-Binangonan mula pa
Noon ay nakahiligan ko na, na dumura sa
Mikropono hanggang sa tuluyan akong mahasa
Paulit-ulit, inukit pero 'di namihasa
Umasa palibhasa may laway lamang ang ginamit
Lapit na madagok tugma na nakakakulawit
Subalit lait na pangit palagi kang pinapatid
Di ka makausad dahil napakaraming balakid
'Di bale na may pagkakataon ka pa na iba
Natutong magpahinga kahit na 'di nakahiga
Kapag 'di sigurado 'wag masyadong mabalisa
Basta't sinimulan darating ka sa kabila
Tapos o 'di tapos sa abot o kapos
Umawit nang umawit hanggang sa mapaos
Tandaan parang utos kandila na upos
Kapag pwede kang sumikat ay pwede ka ring malaos
[Chorus: Gloc-9]
Hindi nila maiintindihan
Dahil 'di nila alam ang iyong pinagdaanan

[Verse 2: Pricetagg]
Galing ng impyerno bago mapunta sa cloud-9
Isang berdeng lumilinya bago pa ako ma-flat line
Sa karera 'di tumigil, binangga ko na 'yung stop sign
Lahat magkaka death threat 'pag ang hawak ko ay Glock-9
Kahit mainit pinilit sumingit malalim sumisid
Sa bugtong 'di nagpasirit kahit mabwisit
Pinilit alay pawis at dugo sumisirit
Kahit lubok 'di gumilid sa bangka humihirit
'Di masisibat ang daming nagugulat
May paningin pero bulag kaya hindi namulat
Paligid puro ahas lumaki ako sa gubat
Inggit ang dahilan ba't 'di naghilom mga sugat
Mga walang bilib, lahat ay umiling
Lahat ay trinabaho ko, hindi puro hiling
Dami nang nagalit nung ako pa yung may narating
I'm the sickest in this game kaya hindi na gumaling

[Chorus: Gloc-9]
Hindi nila maiintindihan
Dahil 'di nila alam ang iyong pinagdaanan
[Verse 3: Omar Baliw]
Pwede mong isuot sapatos ko sandali
Nang malaman dinaanan, di talaga madali
Walang tinapakan derecho lang aking lakad
Walang kasiguraduhan pero walang alinlangan
Na sumubok kasi alam ko na may mapapala
Alam mo san nanggaling kaya walang mawawala
Tapos sa ibang lebel pa pala to madadala
Kaya sabi ko kay nanay ay 'wag na mag-alala
Ako na bahala, tingnan mo anak mo bituwin
Simula pa lang lahat, walang balak pahintuin
Sa harang palikuin, sa tama palingunin
May mga bagay na dapat itama't balikuin
Alam ko na dahan-dahan darating sa nararapat
Kung para sa iyo talaga, hindi maaawat
Parang kelan lang ngayon lahat, nagbunga na
Kung dati nasa dulo, ngayon ay nanguna na

[Chorus: Gloc-9]
Hindi nila maiintindihan
Dahil 'di nila alam ang iyong pinagdaanan

[Verse 4: CLR]
'Di ko pinagdudahan ang aking sarili
Sa paghakot ng pabuya ako'y nawiwili
Jackpot parati, di tulad ng dati
Kita mo ang resulta kahit di 'ko sinasabi
Gigibain bibiyakin titibagin lahat gagawin
At titiyakin lahat tatawirin sasagupa parin kahit maraming pating
Hanggang sa makarating sa pampang
Ngayon ay nakalutang sa ere sapagkat mahal na ang kada hakbang
Sa lupa oh di ba madalas nyong inuusisa
Tinapos ko na kahit di ako ang nag-umpisa
Nilagari ko ang mapa kahit di ko kabisa
Palihim paring naggugunita
At medyo malayo-layo na
Kumusta na ang mga dating nagdududa
Bumigat ang timbang dahil sa laman ng bulsa
Kahit manalo o matalo sa laro ay dako pa rin ang akong gugma
[Chorus: Gloc-9]
Hindi nila maiintindihan
Dahil 'di nila alam ang iyong pinagdaanan

[Verse 5: Shanti Dope]
Di na nila to mapipigilan
Sumugal walang pinagsisihan
Di mo din maalis sa isipan
Sinakal yung rap game pinanggigilan
Na parang yung babaeng malandi
Kasi kung san ako galing ayoko na bumalik
Yung parang basahang damit
Yung parang tadhana galit
Akala nila madali, nakakasira ng bait, yeah
Yung mga panahong hindi ako swinerte
Nawalan ng luha sa edad na disinwebe
Gininaw yung puso na parang laging Disyembre
Iba 'to sa Shanti na nakita mo sa lente
Madami-daming pinagpuyatang gabi
Kaharap sa mesa yung panulat kagabi, walang pake
Bago kong makuha yung milyon di madali
Kaya tinawanan ko sila lahat kasi

[Chorus: Gloc-9]
Hindi nila maiintindihan
Dahil 'di nila alam ang iyong pinagdaanan