Gloc-9
Silup
[Hook : Denise, Gloc-9]
Mamang pulis
Pwede ba akong humingi sa inyo ng tulong
Dahil ako ay nadukutan
Mamang pulis
Pwede ba ako humingi sa inyo ng saklolo
Upang di ako malapastangan
Lapastangan, lapastangan, lapastangan

[Verse 1: Gloc-9]
Ang pangalan ko ay SP-02 Ruben
'Di ako mukhang pera kaya wag mo kong utuin
Tsapa ko'y aking dangal hindi mo 'to kayang bilhin
Pero meron din namang parang tulog kahit gising
Sa kapangyarihan ay lasing budhi na tila maitim
Kapag kailangan ay tawagan pero ba't kaya walang dumarating
Eto meron dalawa na para bang walang pakialam
Sila pa ang pasimuno ng gulo
Makikita mo sila lagi ginugulangan ang mga tiyang kumakalam
Kasamaan ay sagad sa buto

Kaya pinipihit ko, pinipilit kong baguhin ang mga nasa isip niyo
'Di lahat ng pulis ay may ugali na para bang sa demonyo
Pero biro niyo mga droga nakolek ba't sila pumapatak
Kung sasalain na lahat na parak malamang madami ang latak
Pero meron pa kayang matuwid nakakabilib gumagawa ng mga tama
Kasi madami nakakatulig malakas humilik parang mga sunog-baga
Teka muna tandaan mo to ako'y pulis na di kurap
Marami ring katulad ko marunong lang ako mag rap
[Hook: Denise, Gloc-9]
Mamang pulis
Pwede ba akong humingi sa inyo ng tulong
Dahil ako ay nadukutan
Mamang pulis
Pwede ba akong humingi sa inyo ng saklolo
Upang hindi ako malapastangan
Lapastangan, lapastangan, lapastangan

[Verse 2: Gloc-9]
Sangkot sa kotong at jueteng
Isang tiwaling hepeng
Laging nagpapalusot kung may padulas at may pwedeng
Maibulsa ang mairing parak na parang buteteng
Laot ano na bang nangyari dun sa kuratong baleleng
Laging patay na ang bida bago lumabas sa eksena
Kapag tinanong ng reporter ay iisa lamang ang linya
Merong iba na sa TV ay tila nagpapatawa
Kulang na lamang ay sumigaw ng napaliligiran na kita
Mga taong nabubulag na hindi mo na mabilang
Paltik man o kwarenta y singko sa mga bewang
Ang gamit upang hindi ipagtanggol ang maliit
Bagkus ay nakatutok sa pagitan ng mga matang nakapikit
Perang kinurakot niyo sa mga bako niyo
Teka muna asan ang mga takot niyo
Gaano na kakapal ang putik na dumungis sa mga pagkatao niyo
Meron pa kayang ilang mga pulis na di kurap
Silang mga katulad ko marunong lang ako mag rap
[Hook: Denise, Gloc-9]
Mamang pulis
Pwede ba akong humingi sa inyo ng tulong
Dahil ako ay nadukutan
Mamang pulis
Pwede ba akong humingi sa inyo ng saklolo
Upang hindi ako malapastangan
Lapastangan, lapastangan, lapastangan

[Instrumental]

[Outro: Gloc-9]
Ang pangalan ko ay SP-02 Ruben
Di ako mukhang pera kaya wag mo kong utuin
Ang tsapa ko'y aking dangal hindi mo to kayang bilhin
Kahit ang pasuweldo sa'min ay ilang pisong duling

[Hook: Denise, Gloc-9]
Mamang pulis
Pwede ba akong humingi sa inyo ng tulong
Dahil ako ay nadukutan
Mamang pulis
Pwede ba akong humingi sa inyo ng saklolo
Upang hindi ako malapastangan
Lapastangan, lapastangan, lapastangan