Gloc-9
Kwentong Barbero
[Intro:Gloc-9 (spoken)]
Sa buhay ng tao, sadyang kay daming kwento
Ang kaunti ay dumadami, 'pag hindi mo masabi

[Chorus]
Anong gusto mong gupit?
Yun bang uso’t malupit
Anong gusto mong gupit?
'Di ka nagkamali sa pinuntahan ulit

[Gloc-9]
Dumaan ako sa barbero sa may kanto
Para magpagupit kasi meron akong date
Binilisan kong maligo, hindi ito biro
Sumabit na agad sa jeep para hindi ako ma-late

May dala pa 'ko na 'di mo masabi
May mga babaeng gusto nila palagi may bigay ka
Pag ikaw naman ang may kailangan
Madalang malaman
Hanggang mamatay ka maghintay ka

Binilisang dumating sa pinag-usapan namin
Sa may crossing sa tapat ng Shangri-La
Hindi ako makatingin kasi medyo madilim
Nakatayo sa malayo may anino pa
Tapos dahan-dahan na lumapit
Mahigpit na kumapit saan daw kami pupunta
Teka bakit may gano'n pa
Ako lamang ata ang talo kung may pusta

(Naalala ko tuloy bago ako gupitan
Ni mamang barbero isang payo ang pinahiram)

Hindi mo pahahalagahan ang mga bagay na nakuha mo lamang ng ganon lamang kadali
Papasalubungan ng ngiti
Mas masarap ang lasa ng pangarap kung ito'y hati-hati

[Chorus]
Anong gusto mong gupit?
Yun bang uso’t malupit
Anong gusto mong gupit?
'Di ka nagkamali sa pinuntahan ulit
'Di ka nagkamali, 'di ka nagkamali
'Di ka nagkamali sa pinuntahan ulit

[Ramdiss]
Paulit-ulit ako na babalik
Dahil nakakapanabik na madinig
Ang kwentong isinalin mo sa musika
Simula pa lang no'ng una ay alam ko na
Gusto ko na din gawin ang mga nadidinig sayo
Nakapikit, nakangiti habang nakikinig ako
Kinikilig pa 'tong nabibilib sayo
Nasa silid na madilim nag-iisa nababato
Habang kinakabisa ko ang mga bagong kanta mo
Nasa harap ng salamin nakatayo
Pinapakalma ko ang balahibo kong tumatayo

Sa kilabot, 'di naman nakakatakot
Pero ako'y binabalot ng pagkahumaling
Lalo kapag lumalalim ang salitang sinasalin mo sa papel
At pasaring mga dala mong pasanin parang laging para sakin
'Pag ikaw ang naghahain lagi akong kumakain kahit gutom sa pagkain
Busog na 'ko pangarapin balang araw ay palaring magtagpo ang daan natin

[Gloc-9]
Naalala ko tuloy bago ako gupitan
Ni mamang barbero isang payo ang pinahiram
Dahil–

[Ramdiss]
Pagkatapos ng lahat ng 'to ay makakalimutan din naman nila tayong lahat
Hindi ako papayag na digang barbero lang yung sa 'kin pagsara mo ng aklat, makikitang pamagat
Ay alamat

[Chorus]
Anong gusto mong gupit?
Yun bang uso’t malupit
Anong gusto mong gupit?
'Di ka nagkamali sa pinuntahan ulit
[Gloc-9]
Mga 'di mo akalain
Pwede palang pangarapin
At syang mapapasaamin
Wag mo nang hanapin
Kasi sayo manggagaling
Kung meron man o wala rin

Lagi mo lang tandaan
Ang paraan ay gan'to lang
Kung alam mo kung paano ilang beses ka mang
Kapkapan o hakbangan ay huwag ka dyan
Basta-basta magpatalo

[Ramdiss]
Masyado ng maraming
Inindang sakit
Para maispan ko pa na ipagpalit
Ang mga hangarin na pilit pinagkait
Pero patuloy ko pa rin na inilalapit

Ang aking sarili kahit nga minsan ayaw ng manatili ako'y kinakalabit mga tulang dekalibre
Bago ka maging kambing kailangan muna maging bwitre
Sa pag kakataon dapat kagat mo mala-tigre

[Gloc-9]
Dahil ang buhay ay para ka lang nagpunta sa barbero at nagpagupit
Mga masamang nangyari'y kalimutan at 'di mo na babalikan pa ulit
Talupan ang nakadikit
Nasabi ko na 'to sayo kaya naman dapat alam mo na
Ito ba’y kataka-taka bang mga bagay
Bakit kasi nga'y nagagawa na ito ng iba

(Naalala ko tuloy bago ako gupitan
Ni mamang barbero isang payo ang pinahiram)

[Gloc-9]
Hindi mo pahahalagahan ang mga bagay na nakuha mo lamang ng ganon lamang kadali
Papasalubungan ng ngiti
Mas masarap ang lasa ng pangarap kung ito'y hati-hati

[Chorus]
Anong gusto mong gupit?
Yun bang uso’t malupit
Anong gusto mong gupit?
'Di ka nagkamali sa pinuntahan ulit
'Di ka nagkamali, 'di ka nagkamali
'Di ka nagkamali sa pinuntahan ulit