Gloc-9
Bagong Siglo
[Intro: Gloc-9]
Dito sa Silangan, lupang tinubuan
May matututunan kahit di turuan
Halika't pumasok ka dito sa aming bakuran
Pakinggan ang lumang kwento para sa mga baguhan

[Basti Artadi, Christian Bautista]
Bakit tayo gaya na lang ng gaya?
Hindi ba pwede tayo umarangkada?
Bakit tayo away na lang ng away?
'Di ba pwede tayo'y magkaisa

[Chorus: Basti Artadi, (Christian Bautista)]
Ang bagong siglo ay nasa kamay mo (Matutulog ka ba o tatayo?)
Ang bagong siglo'y nasa harapan mo (Susugod ka ba o tutungô)

[Verse: Gloc-9]
Dito sa Silangan, lupang tinubuan
May matututunan kahit di turuan
Halika't pumasok ka dito sa aking bakuran
Pakinggan ang lumang kwento para sa mga baguhan
Na dayo, sawa ka na ba sa mga payo?
Umuulan pero butas-butas naman ang payong
Na inabot, kinalmot kahit na hilahod
Walang pinagkaiba sa sinaksak ng patalikod
[Christian Bautista]
Bakit tayo puro na lang reklamo?
At wala namang inaasikaso

[Gloc-9]
Kailan tayo matututo?
Kailangan ba ng resibo?
Upang lahat ay matandaan ng Pilipino

[Christian Bautista]
Pano na tayo makakatakas?

[Gloc-9]
Madami nang beses ginuhit sa kabila pinupunit
Nakikinig pa din 'pag binabasa ng paulit-ulit

[Christian Bautista]
Kung walang tiwala sa ating bukas

[Gloc-9]
Tama na, sobra na
Lahat ng iya'y alam mo na
Ngayon sabihin mo sa 'kin ano ang iyong magagawa

[All]
Kahit walang makikinig
Isisigaw ang tinig
Ang bagong siglo ay nasa kamay mo
(Dito sa Silangan, lupang tinubuan...)
Matutulog ka ba o tatayo?
Ang bagong siglo'y nasa harapan mo
(Halika't pumasok ka dito sa aming bakuran...)
Susugod ka ba o tutungô?

Dinggin ang tawag ng Inang Bayan mo
(Dito sa Silangan, lupang tinubuan...)
Sasama ka ba o lalayo?

Dinggin ang tawag ng Amang Diyos mo
(Halika't pumasok ka dito sa aming bakuran...)
Luluhod ka ba o lalayo?

Ang bagong siglo (Dito sa Silangan...)
Ang bagong siglo
Ang bagong siglo (Dito sa Silangan...)
Ang bagong siglo