Gloc-9
Umaga - Spotify Singles
[Spoken]
At, uhh... Diyan na po nagtatapos ang ating palatuntunan ngayong gabi
Maraming salamat sa inyong pakikinig mula alas dose ng hating gabi hanggang alas-kwatro ng madaling araw
Ako po ang inyong lingkod na si Sopronyo na nag-iiwan sa inyo ng bagong awitin nina Ramdiss, Hero, at ni Gloc-9 under Universal Records

[Intro]
Sabayan mo lang kami simula pa kagabi
Hanggang abutin tayo ng umaga
Kapag 'di mapakali kahit sinong katabi
Pasintabi lamang bago gumana

[Gloc-9]
May tinitinda (Ano daw, ano daw, ano daw?)
Sige lapit pa (Sumigaw, sumigaw, sumigaw)
Murang-mura na ([?])
Wala 'to sa iba (At sumayaw [?])

[Chorus]
Hanap mo ba'y sagot sa mga lamat
Tipak-tipak na mga latak
At suliranin sa mundo (Igalaw lang ng ganito)
Dapat 'wag na 'wag kang magpaawat
Lumapag ka at [?]
Sumayaw ka hangga't gusto mo

[Verse: Ramdiss]
Yeah, magkatanggalan na muna tayo ng hiya para lang malaman
May ibubuga ka kapagka nagkabakbakan
Sa mikropono man o kahit pa sa sayawan
Dapat walang ayawan, dapat walang atrasan
At handa mong ipakita kung sino ka talaga, sa mga mata nila
Alam ko naman na kaya mo din gawin ang mga bagay na 'kala nila ay hindi mo kaya magawa, sige tingala
At ang nakatagong galing pabayaan mong makawala
Igalaw ang katawan, mula ulo hanggang sa paanan
Kalabog ay sabay [?] papunta sa balakang
Kung sa kantahan naman, bukod sa mabilis na lapagan dapat ay malaman
Tandaan mo na kahit saan ka man madala ng mga yapak [?] mong ika'y palaban
Kahit na saan ka man interesado palagi mong ganapan ng preparado
Iba't ibang daan man ang nasa pintong sarado pero isa lang ang tagpuan nito, panigurado
Kalye natin 'to

[Chorus]
Hanap mo ba'y sagot sa mga lamat
Tipak-tipak na mga latak
At suliranin sa mundo (Igalaw lang ng ganito)
Dapat 'wag na 'wag ka magpaawat
Lumapag ka at [?]
Sumayaw ka hangga't gusto mo

[Verse: Hero]
'Wag ka matakot subukan ilabas ipakita mo sa lahat kung sino ka
Yung mata mo ibuka, salasain mo yung hallway, gulatin mo sila
Hanggang lahat ay mapa "Hands up!" itaas ang kamay
Habang sinasayawan mo yung tugtog na pamatay
Mula kay Hero, Ramdiss, kasama na si Gloc-9, matik
Na mapapaindak ka bes, lahat mapapanis
Pag kinamay, ginamay mo kung sa'n ka the best in all the rest

Sayo pa rin nakasalalay
Kung pupuliduhin hanggang dulo o iiwanang laylay
Kung hindi ka mapalagay isipin mo lang na may guide
Sa kada dapa, kada lagapak ay dapat handa ka mangalampag
Gamit ang binigay na talento ni God lalo pang sinisipagan
Parang lumilipad, lalo pang ginaganahan
Iba't ibang daan, iba't ibang gusto
Isang tagpuan lang, kalye natin 'to
[Chorus]
Hanap mo ba'y sagot sa mga lamat
Tipak-tipak na mga latak
At suliranin sa mundo (Igalaw lang ng ganito)
Dapat 'wag na 'wag ka magpaawat
Lumapag ka at [?]
Sumayaw ka hangga't gusto mo (Sa kanta ni Gloc, Ramdiss, at Hero)

[Outro]
Sabayan mo lang kami simula pa kagabi
Hanggang abutin tayo ng umaga (Ano daw, ano daw, ano daw?)
Kapag 'di mapakali kahit sinong katabi
Pasintabi lamang bago gumana