Gloc-9
Bara Bara
[Gloc-9]
Magsimula tayo sa umpisa
Nung araw na ang pinoporma mo ay pag-aari ng iba
Kasi wala ka ng meron sila
At ang dala-dala mo lamang ay panaginip na mag-isa

Kahit nand'yan sila
Hindi ka tutulungan
Lalo't kung hawak nilang baraha'y mauungusan
Mauubusan ka ng pasensya uutusan
Huwag mong masyadong galingan para may kaibigan

Hangad na bituwin
Ay ang gusto mo rin
Magkakatalo lang
Sinong mas madiin
Ang sulat, buhat, kupad, kunat
Mga letra na 'di nila malaman ang sukat

Parañaque Bicutan baba sa Alabang
Sakay ng Zapote
Araw na natin malamang
Pero 'di pa nakahanda akong mag-abang
Kahit pa ilang oras o deka-dekada lang

[Chorus]
'Di mo alam kung ga'no kapait
Kahit na anong iharang mo saki'y punit
Ilan lamang ang may gusto marami ang galit
Naiinggit ang mga 'di makadikit
Umiinom ng tubig upang hindi masamid
Tila galing sa bukas bakit sobrang ahead
Daanin man sa kung ano ang suot mong damit
Sinusungkit, respeto na inuumit

[G-Clown]
Hindi ko naisip, ang paniginip ko'y may kahulugan
Yung araw lumilim saking napiling papel sa palabunutan
Pati pato sinugal, said kahit maling galaw
Balik tanaw, sa panahong lahat ay isang balintataw

Balikan natin ang istoryang, nabuo sa kanto
Bata na hinasa, ni Jomer Adriano
'Di ko akalaing aandar ang mga plano
Nang dahil sa tula nakasakay sa eroplano

Pagiging bago ay parteng nakakatarantado
Karanasan na halos lahat ay maisumpa mo
'Pag bagong salta ka buong paligid ay hurado
'Pag hawak mo'y alas, tiyak hindi ka imbitado

Tablado palage sarado't may tali kabado masahe
'Pag talo maraming ganado mangyari
Napakaraming aangkin ng pananim mo 'pag lumalago
Buhaya'y dumadami 'pag 'yong b'yahe mo lumalayo
[Chorus]
'Di mo alam kung ga'no kapait
Kahit na anong iharang mo saki'y punit
Ilan lamang ang may gusto marami ang galit
Naiinggit ang mga 'di makadikit

Umiinom ng tubig upang hindi masamid
Tila galing sa bukas bakit sobrang ahead
Daanin man sa kung ano ang suot mong damit
Sinusungkit, respeto na inuumit

[G-Clown]
Ako'y alipin ng sining nananatiling gutom
Nung umulan ay musika aking napiling bubong
Mapudpud man ang gulong ay aandar saan man dako
Sa daming nanabla nung mahabla naging pamato

Pangako na napako naitago sa malayo
Mga sulat na nilako napahalo sa malabo
Tinuring na praning, hindi uusad papanhik
Nung ako 'yong gumaling lahat sila nagkasakit

[Gloc-9]
O nagbabaga 'di mahawakan o makalapit
Kung kailangan mo ng tulong, tawagin mo ko ulit
Siguraduhing na matibay ang pagkakadikit
Kasi nahuhulog ang mga sabit na makulit
Dahil dito ang pulido lang ang mismo
Pinaghihirapan kahuli-hulihang piso
Tuwing tinatanong ba't wala akong apelyido
Tandaan mo na ako si Ginoong Pollisco

[Chorus]
Di mo alam kung ga'no kapait
Kahit na anong iharang mo saki'y punit
Ilan lamang ang may gusto marami ang galit
Naiinggit ang mga 'di makadikit

Umiinom ng tubig upang hindi masamid
Tila galing sa bukas bakit sobrang ahead
Daanin man sa kung ano ang suot mong damit
Sinusungkit, respeto na inuumit