Gloc-9
Sa ’Yo
[Chorus]
Bakit mo kailangang agawin ang kinang ng iba at lampara'y basagin
Nakalatag na hindi mo dapat basahin
Pangarap ay haranahin
Hanapin mo lang palagi ang sa 'yo
Sa 'yo, sa 'yo, sa 'yo
Sa 'yo, sa'yo
(Hanapin mo lang palagi ang)

[Verse: Gloc-9]
Kislap ng bituwin sa dilim
Ikaw ang syang nakakita kahit lahat tumingin
Iba ang iyong panlasa kahit lahat tumikim
Di kailangan ng apoy kung may papakuluin
Gawin alin sundin diin bitin
Kahit ilang kusing aabutin pa rin
Di man ako umiinom ako'y laging lasing
Sa pag-isip kung paano pa ako gagaling
Kahit walang sakit
Di humihithit
Ang mga hit ay palaging dikit-dikit
Gipit-gipit elite kasi 'di maliit
Ang kita malinis na para kang bagong gupit
Basta't huwag mag paargabyado pati na sa sarili
Mahirap mawili
Lalo na kung hindi ka si Willie
Anong mang dapat gawin
Galingan mong maigi
Kung maghahalo ng semento
Kapalan ang haligi (Let's go)
[Chorus]
Bakit mo kailangang agawin ang kinang ng iba at lampara'y basagin
Nakalatag na hindi mo dapat basahin
Pangarap ay haranahin
Hanapin mo lang palagi ang sa 'yo
Sa 'yo, sa 'yo, sa 'yo
Sa 'yo, sa'yo
(Sa 'yo)

[Verse: Bishnu Paneru]
'Di ko lang alam kung bakit kailangan
Manghila pababa ng mga tao para lamang umangat
Kung laging natatalo, madalas ka lang manalo
Wag kang panghinaan ng loob agad
Talagang parating ang mga panahon na 'di mo na pansin
Para sa 'yo ang pagkakataon na 'to
Gawin mo lagi nang balanse ang bato
Asintahin mo lang maigi para o-
Tomatik mong makuha yung para sayo
Kunin mo wag makulit
Pakita mo sa kanila kung
Gano ka ba kalupit
Palupit ng papalupit
Pinapalamig ang
Mga nagiinit na matang nakasilip
Sa atin para manghusga
I don't wanna believe it you know
Yeah people come and they go
Sa panahon ngayon lahat na lang ay 20 years old
Alam mo na ngayon kung bakit
Magkakaiba ang topic ng
Mga nakakwentuhan mo na tao
Pero ang tanong ko bakit
[Chorus]
Bakit mo kailangang agawin ang kinang ng iba at lampara'y basagin
Nakalatag na hindi mo dapat basahin
Pangarap ay haranahin
Hanapin mo lang palagi ang sa 'yo
Sa 'yo, sa 'yo, sa 'yo
Sa 'yo, sa'yo
(Sa 'yo)