Gloc-9
Pag Nagising Ako
[Intro: Gloc-9]
Ako'y nanaginip kagabi
Sana ay maulit pang muli
Tanda ko lahat 'di mamamali
Kung gusto mong malaman 'to
Ikukwento ko sa 'yo, Ikukwento ko sa 'yo
'Pag nagising ko

[Verse: Gloc-9]
Wala na daw mahirap
Lahat tayo mayaman
At sa kapangyarihan ay wala na daw gahaman
Kung may nagsusumikap
Nagagantimpalaan
Kapag mata'y dumilat
Laging may kagandahang
Matatanaw
Wala nang uhaw
Nakukuntento
Kasi pare-pareho lamang tayo ng porsyento
Pantay-pantay ang hatian kasi nakasentro
Puro salamat at walang inggit na kinikwento
Gumagaling lahat ng sakit walang malubha
Tuyuin pag ipinikit matang paluha
Walang mga palad ang sa langit ay nakakura
Ano nga bang ibig sabihin ng salitang dukha
Puro tawa lang ang madidinig mo sa mga bata
May kasiyahan, kasaganahan, walang kawawa
Ang lahat ng galit ay napapalitan ng awa
Pagmamahal na bayad ang laging sukli sa kapwa
[Chorus: Jillian Ita-as]
Ako'y nanaginip kagabi
Sana ay maulit pang muli
Tanda ko lahat 'di mamamali
Kung gusto mong malaman 'to
Ikukwento ko sa 'yo
Ikukwento ko sa sa 'yo
'Pag nagising ko

[Verse: Gloc-9]
Wala nang mura kasi lahat ay nagmamahal
Para sa mabuti lang ang pinagdarasal
Hindi naiinip kung meron mang nagtatagal
Sa buhay 'di mo na kailangan pa na sumugal
O hanapin ang kapalaran mo sa malayo
Kasaganaha'y makita mo hindi nakatago
Kinabukasan ay malinaw, hindi malabo
Mahal sa buhay na abot-kamay
Maipangakong
Masamahang lumaki ang iyong mga anak
Alalayan sila sa kanilang bawat yapak
Makilala ka sa isipan nila'y tumatak
Ang maihele sila sa tuwing umiiyak
'Di kailangan mahati pa sa tama o mali
'Di na rin ugat
Ng kasamaan ang salapi
Walang digmaan ang lahat ay magkakabati
Pinapahalagahan lagi ang bawat sandali
Dahil alam mo na ang bukas ay 'di nakapako
Hawakan ng mabuti, kapag sa 'yo dumapo
Lakasan mo ang loob panabla pati pato
Lumakad man sa baga ay hindi ka mapapaso
[Bridge: Jillian Ita-as, Gloc-9]
Sana lahat ng pangit ay kabaliktaran (kabaliktaran)
At ang kasamaan ay may katapusan (may katapusan)
Hilumin mong nagdurugo na sugat mo
Nang maimulat at mabuksan ko ang aking mga mata

[Outro: Jillian Ita-as]
Ako'y nanaginip kagabi
Sana ay maulit pang muli
Tanda ko lahat 'di mamamali
Kung gusto mong malaman 'to
Ikukwento ko sa 'yo, Ikukwento ko sa 'yo
'Pag nagising ko