Gloc-9
Langit Lupa
[Chorus]
Bakit mo ako niyaya dito
Para gitgitin ng mga kayabangan mo
Bakit mo ako sinama dito
Sabay bulong mo ng mahina

Langit o lupa araw o gabi
Mamili sa dalawa tama o mali
Langit o lupa araw o gabi
Mamili sa dalawa

[Verse]
San ka pupunta?
Kaliwa o kanan?
Anong gusto bago o pinaglumaan?
Meron o wala
Payat man o mataba
Pandak o matangkad na palaging tinitingala

Mura o mahal
Sandali o matagal
Manipis o makapal o di kaya'y mahiyain o garapal
Pangit o maganda
Bata man o matanda
Sino kaya ang malaya yung nakagapos o syang nakawala
[Pre-Chorus]
Tandaan mo sa buhay ay dalawa lang
Ang syang dapat nating pagpilian
Nasa sa'yo ang kahihinatnan
Mabuti mong pag isipan nang hindi ka mag tanong ng

[Chorus]
Bakit mo ako niyaya dito
Para gitgitin ng mga kayabangan mo
Bakit mo ako sinama dito
Sabay bulong mo ng mahina

Langit o lupa araw o gabi
Mamili sa dalawa tama o mali
Langit o lupa araw o gabi
Mamili sa dalawa

[Verse]
Bakit ba nahihirapan ang pagpipilian lang ay dalawa
Pinag-iisipan pa ba kung ano ang tunay na mahalaga
Sabi sa akin nung bata pa pag puro mali ay tama na
Pano ang kinabukasan kung di ka aabot sa makalawa

Kagatin ko na kaya ang berdeng mansanas na ibinigay ng ahas
Magaling sa mga bagay pero bakit dami pa rin dinaranas
Lumalaban ng parehas kahit kapalaran parang di na patas
Totoo ang pagkatao kahit nababalot ng pekeng alahas
Sabi sakin nung baraha sa kanya na lang iasa
Pero bakit laging malas kahit ilang ulit ko nang binalasa
Habulin man at madapa, mabuti man o masama
Mamili ka sa dalawa langit lupa ikaw ang taya

[Pre-Chorus]
Tandaan mo sa buhay ay dalawa lang
Ang syang dapat nating pagpilian
Nasa sa'yo ang kahihinatnan
Mabuti mong pag isipan nang hindi ka mag tanong ng

[Chorus]
Bakit mo ako niyaya dito
Para gitgitin ng mga kayabangan mo
Bakit mo ako sinama dito
Sabay bulong mo ng mahina

Langit o lupa araw o gabi
Mamili sa dalawa tama o mali
Langit o lupa araw o gabi
Mamili sa dalawa