Gloc-9
Tanan
[Chorus: LIRAH]
Bakit hindi ka naman dumating
Sinadyang biguin mo ang aking hiling
Bakit hindi mo ako hinintay
Kailangang ibigay ko ang aking kamay
Sa taong hindi ko naman minahal
Ngunit 'di nagtagal kami ay kinasal
Bakit hindi ka naman dumating
Sinadyang biguin mo ang aking hiling

[Interlude: Gloc-9]
Pagsapit ng Pas–

[Verse: Gloc-9]
Alam ko, 'di boto sakin ang iyong mga magulang
Kasi kung ano mang meron akong kokonti ay kulang
Perang laman ng pitaka ko ay kay bilis mabilang
Sasahod na 'ko sa Lunes kaya pwede na mangutang
Pero kahit langit ka't lupa ako, alam mo?
Ngayon lamang ako naglakas-loob ng ganito
Lalo na nung nalaman ko na may pag-asa ako
Pakiramdam ko ay kayang-kaya kong buhatin ang mundo
Ayun na nga, pinayagan mo akong sunduin kita
Hawakan ang iyong kamay kahit nakatingin sila
Kitang-kita ko ang aking saya sa 'yong mga mata
Wala tayong pakialam sa sasabihin ng iba
Tuwang-tuwa ka sa mga regalo kong di mamahalin
Kahit nasa mumurahin, sabay tayong kumakain
Ako'y nagpapasalamat kahit na 'di madasalin
Pero bakit nag-iba yata ang ihip ng hangin
Hanggang isang araw eh parang iniiwasan mo ako
Hindi na kita masilayan kahit na sa bintana nyo
Ilang linggo ang lumipas
Nagbakasali ako
Buti na lamang at sinagot mo na rin ang tawag ko
"Bakit ka umiiyak, ano bang dahilan?
Parang awa mo na Susan, sabihin mo naman
Narito ako para sayo kahit ano pa yan"
Pero 'di ko inaasahan ang kanyang naging kasagutan
"Gusto akong ipakasal ng aking ama sa iba
May hihilingin ako sayo, sana ay pumayag ka
Bago magsimbang gabi dun sa lumang talipapa
Sasama na 'ko sayo basta hihintayin kita"
Dali-dali akong umuwi hinakot ang damit
Dalawang maong, limang kamiseta kaso isa'y punit
Ngunit ang mundo'y sadya nga yatang napakalupit
Dahil kaming dalawa'y di na magkikita pa ulit
[Chorus: LIRAH]
Bakit hindi ka naman dumating
Sinadyang biguin mo ang aking hiling
Bakit hindi mo ako hinintay
Kailangang ibigay ko ang aking kamay
Sa taong hindi ko naman minahal
Ngunit 'di nagtagal kami ay kinasal
Bakit hindi ka naman dumating
Sinadyang biguin mo ang aking hiling

[Interlude: Gloc-9]
Pagsapit ng Pas–

[Verse: Gloc-9]
Patawarin mo ako kung naghintay ka ng matagal
Inabot ka na ng lamig, ngipin mo'y nangatal
Parang tarak ng kutsilyo na hindi mo matanggal
'Yan ang sakit kapag tinalikuran ka ng iyong mahal
Mabuti na rin yun siguro kasi tingnan mo naman
Maayos ang iyong buhay at inyong kinalalagyan
Sunod sa layaw ang inyong tatlong anak, may laruan
Hindi ko kayang ibigay ang ganyang karangyaan
Ang meron lang ako dito ay pag-ibig na tunay
Babantayan ka habang ika'y naggagayat ng gulay
Suot ang bigay kong duster, luma na't kupas ang kulay
Ng telang kasing lambot ng buhok mo na nakalugay
Sa gabi alam kong hindi ka nya pinapansin
Ayaw ka nyang alagaan pero bakit inaangkin
Parang isda na bilasa sa palengke, mumurahin
Doon ka nya hinahambing tuwing ika'y naglalambing
[Chorus: LIRAH]
Bakit hindi ka naman dumating
Sinadyang biguin mo ang aking hiling
Bakit hindi mo ako hinintay
Kailangang ibigay ko ang aking kamay
Sa taong hindi ko naman minahal
Ngunit 'di nagtagal kami ay kinasal
Bakit hindi ka naman dumating
Sinadyang biguin mo ang aking hiling

[Interlude: Gloc-9]
Pagsapit ng Pasko
Kay dami ng Pasko
Pagsapit ng Pas–

[Verse: Gloc-9]
Ayaw ko na sanang sabihin sayo ang mga ito
Pero baka ito ang susi ng katahimikan ko
Nung gabing magkikita tayo? Papunta na 'ko
Kaso dinukot ako ng mga tao ng ama mo
Ginapos ako't itinago sa tambakan ng gulong
Pinaghati-hatian ang baon nating bibingka't puto-bungbong
May piring aking mata nang marinig ko ang bulong
Isang malakas na putok ang sa ulo ko'y dumagundong
Tumatagas ang alaala, kinakaladkad sa paa
May isa tiningnan pa kung 'di na 'ko humihinga
Puwing na lupa at bato sa aking mga mata
Bakit ito ang sinapit at napunta ka sa iba
Lagi mo akong kasama, masaya na rin ako
Na may isang natupad sa mga kahilingan ko
Marahil ay nagtataka bakit alam ko lahat 'to
Ang bangkay ko'y nakalibing sa ilalim ng bahay nyo