Gloc-9
Lando (Bonus Track)
[Chorus: Chito Miranda]
'Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim
Nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim
'Di ka hahayaan na muli pang masaktan
'Wag ka nang matakot sa dilim
[Verse 1: Gloc 9]
Ito ay kwentong hango na galing sa dalawang taong
Nagmamahalan ng tunay ang ngala'y Elsa at Lando
At kahit parang pagkakataon ay nakakandado
Dahil magkalayo ang uri ng buhay ang estado
Ng buhay ni Lando ay 'di nalalayo sa marami
Sinunog ng araw ang kulay ng balat at marami
Ng galon ng pawis ang kaniyang naidilig sa lupa
Upang ang gutom ay 'di na masuklian pa ng luha
Habang ang babaeng kaniyang minamahal ay sagana
Ngunit kabilang sa pamilya na 'di alintanang
Makipagkapwa-tao sa mga tulad niyang dukha
Gayon pa ma'y patuloy ang pagmamahal na pinunla ng pagibig
[Chorus: Chito Miranda]
'Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim
Nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim
'Di ka hahayaan na muli pang masaktan
'Wag ka nang matakot sa dilim
[Verse 2: Gloc-9]
Kahit na ano mang bagay ang pilit na ihadlang
At sino man ay walang makapipigil sa paghakbang
Ng mga paa na ang nais ay marating ang ligaya
Niyayang magtanan, 'di nag-atubili na sumama
Hawak ang pangarap at pangako sa isa't isa
Nagpakalayo-layo, 'di namuhay na may kaba
Dahil alam nila na sa bawat isa'y nakalaan
At ang pagmamahalan tangi nilang sinasandalan
Wala ng ibang bagay pa silang mahihiling
Kundi isang pamilya sa loob ng apat na dingding
At isang bubong na maaaring tawaging tahanan
Bakit may pangit na kabanatang kailangang daanan pa?
[Chorus: Chito Miranda]
'Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim
Nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim
'Di ka hahayaan na muli pang masaktan
'Wag ka nang matakot sa dilim
[Verse 3: Gloc-9]
Isang gabi na Huwebes lumubog na ang araw
Doon tayo magkita pasalubong ko'y siopao
Upang ating paghatian pagdating ng hapunan
Meron palang nakaabang sa'min na kamalasan
Eskinita sa Ermita may sumaksak kay Elsa
Sa tagiliran isang makalawang na lanseta
Ang gamit upang makuha lang ang kaniyang pitaka
Kami'y mahirap lamang bakit 'di na siya naawa
Hindi ko naabutang buhay ang aking mahal
At hanggang sa huling hantungan ay nagdarasal
Bakit po, bakit po ang laging lumalabas
Sa'king bibig palabuy-laboy ni walang landas
Akong sinusunod baliw sa mata ng marami
Siguro nga 'di ko na kilala'ng aking sarili
Pangala'y taong grasa, may patalim na gamit
At ang tanging alam ay isang malungkot na awit
At ang sabi
[Chorus: Chito Miranda]
'Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim
Nakaabang sa sulok at may hawak na patalim
'Di ka hahayaan na muli pang masaktan
'Wag ka nang matakot sa dilim
'Wag ka nang matakot sa dilim