Iisang bagyo
Iba't ibang bangka
Iisang bagyo
Iba't ibang bangka
Iisang bagyo
Pero iba't ibang bangka
Sadya bang ganito
Walang magagawa
Pahupain ang hangin
At patilain ang ulan
Sa iisang bagyo
Pero iba't ibang bangka
Hampasin man ng mataas na alon ay 'di matinag
Kumapal man ang ulan laging may malakas na sinag
Hinahawi ang daan
Ang lambat ay puno ng bihag
Mga huli na markado ng sugat na humihilab
De makina, hindi sagwan
Andar ay mabilis
Mga pagkaing tinatapon kahit na hindi panis
May bubong, may silid
Kaya walang umaalis
Tagaluto, tagaligpit at meron ding tagawalis
Madalang ang mumurahin, mamahalin ang labanan
Ilan lang ang may pambili bakit nagkakaubusan
Lahat sunod lang ng sunod kasi maraming utusan
Ako na po'ng magdadala, bilin 'yan ni kapitan
Habang ang ilan ay sagana't marami ang wala
Pudpod na telang may apoy, gasera para mangapa
May kumot kapag maginaw
Ang iba nama'y basa
Dito sa iisang bagyo
Pero iba't ibang bangka
Pahupain ang hangin
At patilain ang ulan
Sa iisang bagyo
Pero iba't ibang bangka
Limasin ang tubig na pumapasok sa butas
'Di mo pwedeng inumin, maaari lamang panghugas ng
Lumot at kalawang, malamang tuyo na bukas
Ganyan sana kasiguradong hinahanap na lunas
Bakit 'di pantay ang katig, sa kalumaan na rin
Mga sumasakay na kumapit na rin sa patalim
Kapag malayo ka sa laot, maalon at madilim
Ang 'yong mga sigaw ay parang ibinulong na daing
Na sinasalo ng hangin na tila naliligaw
Ang layag na puno ng pag-asa't hindi bumibitaw
Sa isinaing mong pangarap na tila nahihilaw
Parang taga ka ng taga (kahit) itak mo ay bingaw
Habang ang ilan ay sagana't marami ang wala
Pudpod na telang may apoy, gasera para mangapa
May kumot kapag maginaw
Ang iba nama'y basa
Dito sa iisang bagyo
Pero iba't ibang bangka
Iisang bagyo
Pero iba't ibang bangka
Sadya bang ganito
Walang magagawa
Pahupain ang hangin
At patilain ang ulan
Sa iisang bagyo
Pero iba't ibang bangka
Ng iisang bagyo
Pero iba't ibang bangka