Gloc-9
Tamang Panahon
[Verse: Pio Balbuena]
Matagal kong inantay ang pagkakataon na 'to
Ang makasama ang makata sa isang kanta ko
Kailangan taliman na parang sumusulat sa bato
Eto ang isa sa lahat ng pangarap na dala ko
Pinagdaanang hirap halata nyo sa mata ko
Pinagpaguran lahat kahit na walang matamo
Ang industriya ay gubat 'pag namulat ka na bro
Ako ay naging mananabas sa masukal na damo
Nung narinig ko yung kanta mo, "Grabe ang galing!"
Sabay sabi sa sarili 'yan ang gusto kong gawin
Balang araw sa entablado makakakanta rin
Hindi pala ganun kadali kapag meron kang hiling
Hindi nakapagkolehiyo
Walang pang matrikula
Pero inaral ang diploma mo't mga tinula
Hindi ko kakalimutan kung saan ako nagsimula
Saan man makarating lahat ng 'to laging panimula

[Chorus: Gloc-9]
Huwag kang matakot na magkamali
Kung maligaw sige tahakin mong muli
Lumaban ka kahit na magapi
Hanggang doon sa tamang panahon

[Verse: Pio Balbuena]
Sa kada alis ko ay laging alisto
Sa biyahe ng pangarap nakikinig kay Pollisco
Habang naglalakad ang baon ko sampung piso
Pero hindi huminto at ang lahat tiniis ko
Sarado ang pinto sa bintana dadaan o
Kahit saan pa 'yan gagawan ng paraan
Maraming pwedeng mangyari basta mag-abang ka lang
Pero 'wag puro abang, pare kilusan mo naman
Isipin mo ay darating ang tamang panahon
Kahit mahulog ay kayanin mong gumapang paahon
Kung akala ng iba ang buhay mo ay patapon
Gulatin mo silang lahat 'pag lumabas ka sa kahon
Ngayon naniniwala na 'kong lahat ay posible
Pero alam ko rin na hindi 'to ganun kasimple
Kung gusto mo talaga pagsikapan mo maigi
'Pag ang panahon tumama, hawakan mo ng mabuti
[Chorus: Gloc-9]
Huwag kang matakot na magkamali
Kung maligaw sige tahakin mong muli
Lumaban ka kahit na magapi
Hanggang doon sa tamang panahon

[Verse: Gloc-9]
'Di ako karapat-dapat pero maraming salamat
Palaging nakahanda na walisin ang mga kalat
Ipunin ang piraso dikitan ang mga lamat
Nakalista na atraso kulay itim parang balat
Sa puwet, dikit, inggit, nangmamaliit
Mawalang-galang na teka lang sino ka nga ulit
Nangungulit do'n sa likod nangangalabit
Sumunod sa payo, laging magpapakabait
Alisto, deretso lagi 'di palihis 'to
Pangalawang pangalan aking pinarehistro
Sabi ng bago sa lumang trabaho panis 'to
Babagsakan ng apelyido ko na Pollisco
Minsa'y naatasan ako'y naabutan
Ng martilyo at pako tibayan ang mga daan
Na kapag tinapaka'y kanilang matatandaan
Sa huli lahat tayo'y palaging mapapalitan, hey

[Chorus: Gloc-9]
Huwag kang matakot na magkamali
Kung maligaw sige tahakin mong muli
Lumaban ka kahit na magapi
Hanggang doon sa tamang panahon