Gloc-9
Apatnapung Bara (Live)
Ikaw na naman 'di ba kalalabas mo lang
Kung magsulat ka ng kanta para bang papasko lang
Tila lupang 'di tigang sa letra mong bilang
Walang tigil sa pag-agos pinapadulas mo lang
Hindi naman superlolo pero bakit sumasabog
Ang lahat nakuha mo kahit di makapal ang apog
Pinagmanhik manaog, ibang klaseng Tagalog
Parang alta presyon sa kumakapal na batok
Tapos na ang biruan, walang pala-palabok
Wag kang gumamit ng baldeng butas sa pagsalok
Magpaabot 'pag napagod 'pag humagok magpadagok
Laging handa sa pagsusulit kahit walang pasok
Ang bata na inaral ang a ba ka da
E ga ha i la ma na nga o pa ra sa ta u wa ya
Kundi makasabay sa aking makakaya
Bumaba ka sa aking pasada mama, para
Ibalik ang bayad sumayad ang speaker sa lakas
Ng tunog lumubog ang mga mapangahas
Na humahamig kahit na hangin lang ang kinahig
Nag-uunahan sa pagdampot ng putik at ipahid
Ako ang magaling palaging sinisigaw
Sa loob ng kaing na may kalburo ang manggang hilaw
O kandilang tunaw o itak na bingaw
Pag pinagsama natin ang dalawa, oo ikaw
Matagal-tagal na rin po akong nagtatampisaw
Sa tubig na kung minsan ay parang kanal sa hangin
Kaya may oras na parang gusto kong bumitaw
Ngunit salamat sa hindi nagdadala sa akin
Pero aaminin ko nakakapanghinayang
Lisanin ang trabaho na kailangan mong tibayan
Ang mukha mo panibagong kabisado na tula 'to
Sa mukha mo, itaya mo pati pato ano kamo
Bawat CD-ing nabenta mo walang pang limang piso
Ang babalik sa'yo teka wala kang benepisyo
Pero ayos lang kasi ito ang 'yong pinagdasal
'Di man kasing bango ng lahat ng nahahalal
Mga nakakadinig sila ang sumatotal
Pagkakataong humukay ng panibagong bukal
Na humuhubog sa isip ng mga batang may pangarap
Kahit anong mangyari 'wag kang bibitaw sa yakap
Ok na 'yun, 'di ba?