Gloc-9
Tsinelas sa Putikan (Live)
Mga kaibigan palakpakan natin si Mr. Marc Abaya
Ang title po nito Tsinelas sa Putikan

[Marc Abaya:]
Ilakad ang tsinelas sa putikan
Humakbang kahit na mahirap
Iyong mga paa’y madudumihan
Palatandaan ng pagsusumikap
Bumangon sa hamon
Lalaban at hindi ka na papayag
Magpaagos sa alon
Sabay nating itataas ang layag

Ilakad ang tsinelas sa putikan
Humakbang kahit na mahirap
Iyong mga paa’y madudumihan
Palatandaan ng pagsusumikap
Bumangon sa hamon
Lalaban at hindi ka na papayag
Magpaagos sa alon
Sabay nating itataas ang layag

[Gloc 9,Marc Abaya]
Barong-barong (Barong-barong)
Patong-patong (Patong-patong)
Bulok na bahay (Bulok na bahay)
Kalong-kalong
Ng lupang ‘di sa amin
Sako-sakong dasal ‘wag palayasin
Halo-halong mga sana na nagkadikit-dikit
Parang kapit mo sa gamit na nagkailit-ilit
Maniningil na pagkakulit-kulit
Sa kakarampot mong naipon na nagkapunit-punit
Lumang bente, singkwenta, maswerte kung isangdaan
Para kang binenta pagkatapos ay dinaganan
Ng kalang sinilaban, lutuang walang laman
Kaliwa o pakanan, alam mo pa ba ang daan?
Tinatapakan (Tinatapakan)
Pinupulaan
Sinabihan ka na ba na hanggang d’yan ka na lamang
Maraming nakaharang kahit magsabing paraan
Minsan ang paglaban lang ang natitirang paraan

[Marc Abaya:]
Ilakad ang tsinelas sa putikan
Humakbang kahit na mahirap
Iyong mga paa’y madudumihan
Palatandaan ng pagsusumikap
Bumangon sa hamon
Lalaban at hindi ka na papayag
Magpaagos sa alon
Sabay nating itataas ang layag

[Gloc 9:]
Sawang-sawa ka na ba?
Gusto mo nang magmura
Sumigaw, umayaw
Bumitaw kung baga
Tila kumupas na’ng mga guhit-guhit
Sa mga palad ang hiling ay hindi madinig-dinig
Tuyo at lumalatay kapag hinablit ka ng silid
Walang maaaning bunga kahit dilig ka ng dilig
Kumandirit 'di dahil baka may magising, nakakahiya
Bagkus humulagpos ang poste ng bahay at gumiba
Kumayod na parang wala kang karapatang humiga
Kumura kahit na ayaw mong kapalan ang mukha
Tinatapakan (Tinatapakan)
Pinupulaan
Sinabihan ka na ba na hanggang d’yan ka na lamang
Maraming nakaharang kahit magsabing paraan
Minsan ang paglaban lang ang natitirang paraan

[Marc Abaya:]
Ilakad ang tsinelas sa putikan
Humakbang kahit na mahirap
Iyong mga paa’y madudumihan
Palatandaan ng pagsusumikap
Bumangon sa hamon
Lalaban at hindi ka na papayag
Magpaagos sa alon
Sabay nating itataas ang layag

Ilakad ang tsinelas sa putikan
Humakbang kahit na mahirap
Iyong mga paa’y madudumihan
Palatandaan ng pagsusumikap
Bumangon sa hamon
Lalaban at hindi ka na papayag
Magpaagos sa alon
Sabay nating itataas ang layag

Ayos!