Gloc-9
Alalay ng Hari (Live)
[Chorus: Johnoy Danao]
Ako ay isang tagahanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Ako'y iyong alalay
Ako ay isang tagahanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Ako'y iyong alalay

[Verse 1: Gloc-9]
Tandaan mo kahit ano man ang mangyari ay utang ko
Ang palakpakan at respeto niyo
Kapag hawak ang tumutunog na mikropono
Kableng nakapulupot sa kamay para 'di mahugot
Ay parang wallet sa snatcher, ako ang mandurukot
Mga linya kong sinulat, ginamit ang panulat
Nagsimulang mag-ulat, ang lahat ay nagulat
Sa Kanya nanggagaling mula sa itaas
Ngunit sa'yo pinaabot, ikaw ang nagbukas
Sa akin ay nagturong ipunin ang katas
At kung pano 'di matibos ang masukal na landas
Sa tuwing ika'y kausap, ako'y nahihiya
Parang nananaginip, ako'y tuwang tuwa
Kaya sa gabi ako'y palaging nakatingala
Kasi pwede palang maging sigurado ang baka
Sabay sa entablado, ang lahat ay ganado
Ikaw rin ang nagpasakay sa 'kin sa eroplano
Kahit sabihin ng iba na ako ay dehado
Pero dahil sa'yo ay matagal na 'kong panalo
[Chorus: Johnoy Danao]
Ako ay isang tagahanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Ako'y iyong alalay
Ako ay isang tagahanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Ako'y iyong alalay

[Verse 2: Gloc-9]
First year high school sa Morong, Rizal
Hindi ka ba nahihiya?
Medyo makapal daw ang aking mukha
Bakit ka ba laging kasali?
Nagbabakasakali na hindi matanggal
Kasi nung araw, doon sa amin ay 'di pa masyado
Maraming rapper ang mapapakinggan mo sa radyo
Kasi siguro'y naiiba pa noon ang uso
Ngunit lahat ng kanta mo ay aking kabisado
'Pag "Cold Summer Nights" ay napapraning
Meron akong ano na 'di bading ang dating
Silang mga ubos biyaya na laging lasing
Mga nilamon ng sistema na andyan pa rin
Kabulukang nangangamoy kahit dumaan sa korte
Sinong kumain ng isang kilong mahiwagang kamote?
Kaya mga kababayan, ito ang gusto ko
Hindi ka dapat mahiya kahit ilong mo ay pango
Kasi tayo'y mga Pinoy, ano man ang mangyari
May Man from Manila na palaging magsasabing:
"One can't talk peace if you have a gun"
Handa ka bang ipaglaban ang Three Stars and a Sun?
[Chorus: Johnoy Danao]
Ako ay isang tagahanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Ako'y iyong alalay
Ako ay isang tagahanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Ako'y iyong alalay

[Bridge: Johnoy Danao]
Kahit ano pa man, sabihin ng iba
Ika'y nag-iisa, at ako ang iyong tagahanga
'Di ko lubos maisip nagbago na ang ihip
Nang ikaw ay mawala, dumami ang nagpupumilit

[Chorus: Johnoy Danao]
Ako ay isang tagahanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Ako'y iyong alalay
Ako ay isang tagahanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Ako'y iyong alalay
Alalay, alalay