[Chorus: Gloc-9]
Ayaw niya nang sumakay sa kotseng maganda
Gusto niya rin daw maranasang maglaba
Nang tanungin ko agad na isinagot niya
Ako ay natumba (teka pakiulit nga)
Tatay ko ay businessman
Natutuwa 'pag nakakita ng barya
Ok lang daw siya kahit na tira-tira
Sawa na raw siya sa buhay na marangya
Nang mapasakin siya (di ko naman alam na)
Tatay mo ay businessman
[Verse: Vinci]
Ako'y nabihag mo nung una tayong magkasama sa tindahan ng lumpia ni Mang Karding
Inubos mo basta't wala kang arte kahit na sa mumurahin lang kita
At tambay sa ukay-ukay, bumibili siya ng pangtulog niya
[Chorus: Gloc-9]
Ayaw niya nang sumakay sa kotseng maganda
Gusto niya rin daw maranasang maglaba
Nang tanungin ko agad na isinagot niya
Ako ay natumba (teka pakiulit nga)
Tatay ko ay businessman
Natutuwa 'pag nakakita ng barya
Ok lang daw siya kahit na tira-tira
Sawa na raw siya sa buhay na marangya
Nang mapasakin siya ('di ko naman alam na)
Tatay mo ay businessman
[Verse: Vinci]
Palagi kang nag-aabang ng jeep at tricycle
Doon sa may amin, Cubao ilalim
Kahit na mapawisan pa ang kutis niya
Wala kang arte kahit na sa mumurahin lang kita
Maitambay sa ukay-ukay, bumibili siya ng pangtulog niya
[Rap Verse: Gloc-9]
May tao sa bahay namin na tagasalansa ng salapi
Meron ding tagagulo upang ayusin lang muli
Tinatapon na kapag 'di na unat o natupi
Kapag nagbabayad ay 'di na humihingi ng sukli
Sampu ang aming ref, isa lamang ang sa pagkain
Ang iba ay tambakan ng pera na bawal bilangin
Araw-araw may handaan kahit walang kumakain
Mahal lahat sa mesa namin ang libre lamang ay hangin
Laging todo tumaya, 'di ko maikaila
Na bawal sa pitaka kung 'di rin lamang tatlo ang mukha
'Di mahilig sa daan, kahit na tipo ay libo
Mapapalingon sa milyon, ang ambisyon ay bilyong piso
At ang kinahantungan ay ang parang kawalan
Ng pakialam sa tunay na ibig sabihin ng ilan
O kanino, sa'yo, sa akin o kanya
Kahit na hawak mo na, lahat ng 'yan ay sa'yo ba?
Kaya!
[Chorus: Gloc-9]
Ayaw niya nang sumakay sa kotseng maganda
Gusto niya rin daw maranasang maglaba
Nang tanungin ko agad na isinagot niya
Ako ay natumba (teka pakiulit nga)
Tatay ko ay businessman
Natutuwa 'pag nakakita ng barya
Ok lang daw siya kahit na tira-tira
Sawa na raw siya sa buhay na marangya
Nang mapasakin siya ('di ko naman alam na)
Tatay mo ay businessman