Gloc-9
Sino
Sino sa atin ang dapat sisihin
Sino sa atin ang dapat ibitin nang patiwarik
Dahil ang kasagutan ay ′di makikita sa iba
At ang pananagutan kung minsa'y sa bida

Halika titigan natin ang salamin
Kaibigan bakit ′di natin subukang harapin
At ang mga katanungan ay ating sagutin
At ang gusot ay malunasan at tuluyang malaman mo
Kung sino ang tunay na salarin

O sino ba ang salarin
Kung bakit ang higaan mo'y walang sapin
Mga pingga'y walang laman at hardin mo′y walang tanim
Sinong dapat sisihin, sampalin at sakalin
Kung bakit sa dapat na patutunguhan mo ay ′di ka makarating
Sa tuwing maiisipan mo kung bakit ka nasa dilim
Kung bakit palaging ang pakiramdam mo'y nahuhulog ka sa bangin
At sa tuwing walang sino man ang nand′yan para pakinggan ang iyong daing
'Wag mo sanang masamain
Subukan mong ang pananaw mo ay baliktarin
Bakit ′di mo tanungin ang iyong sarili sa harap ng salamin
Para maintindihan mo nang mabuti yung ayaw mong intindihin
Isa kang halimbawa ng taong walang kapintasan at laging napakagaling
Ikaw ba ang biktima o ang s'yang dapat ibigti na salarin
Takot ka bang tanggapin at ayaw mong harapin na ikaw ay mali
Bakit hindi ituwid mga katwiran mo bago pa mahuli aking kapatid
Kailan mo ba mababatid sa iyong sarili ikaw din mismo ang sisira
′Di mo ba nakikita kahit walang ilaw ay napakalinaw ikaw ang halimaw sa...
Salamin
Kaibigan bakit 'di natin subukang harapin
At ang mga katanungan ay ating sagutin
At ang gusot ay malunasan at tuluyang malaman mo
Kung sino ang...

Marami ang tama, maraming mali
Mga ayaw mong makita ang s'yang kinukubli
Sino ang tama, sinong mali
Tandaan na ang buhay natin dito sa lupa tayo′y mistulang binhi

Suklay ng buhok, pulbos sa mukha
Madami ang bagay na ′di halata
'Pag iba ang tumingin hindi naman malubha
Pero sa ating sarili, hindi makakaila

Tulala sa harap ng salamin at aking tinitigan ng maigi
Kahit na walang imik ang repleksyon kung may lamat ang hinarap na tila ba napipi
Sa sala sinimulan na mawili, aking inuusisa sa sarili
Kung ano bang tunay na ibig sabihin talaga ng "Huli na para magsisi"
Ano daw andidito ka ba, o ang hanap lang ay masisisi mo aba
Kita mo ba na may muta ka at puwing kung hindi mo pansin ay may piring ka sa mata
Hoy, gising na kaya baka ′di ka makatawa
Sino kaya ang sasabihan mong tanga
'Pag nalaman mo na ang iyong mga pagkadapa′y pagkatisod lang sa sarili mong paa
Asahan na dapat lagi kang handa sa karma ng bawat maling nagawa
Mga basurang tinapon mo no'n ay inagos ngayon pabalik ng bangka
Mapait, mapakla, 'to ang sadyang lasa ng katotohanan
Minsan ang sariling ′kala mong kakampi madalas ang tunay na kalaban
Harapin ang pananagutan ano man ang dulot sa'kin sa'yo
Kahit na makalusot din ako sa mga gusot mong sinalo
Kaya naman lungkot ang tinamo
′Pagkat ang baluktot hindi talo
Sapagkat sa mundo sa erang 'to dapat lang na buntot mo hila mo
Mali ng iba ay ′wag mong tignan
Hindi mo dapat ituring na katatawanan
Lahat ng kaya ay matatapatan
Pagdating sa huli lahat tayo ay papalitan

[Instrumental break]