Gloc-9
Ako Ay Ikaw Rin
Yeah, ginoong B-Roc
You better make sure every kid in the street hear this song, man
Yeah
Pakinggan niyo ang lyrics
Listen

Paggising mo sa umaga, maliligo ka sa banyo
Papasok ka sa eskuwela, manghihingi ka ng baon
Kung titingna'y wala kang pinagkaiba sa lahat
Ngunit sa 'yong isipan ay may nabubuong alamat
Ng isang makatang laging titingalain ng lahat
Mga awit na ikaw lang ang may alam ng pamagat
Na balang araw ay sasambitin, awit mo'y kakantahin
Ng lahat ng batang tulad mo na may pangarap rin

Ngunit ngayo'y nagsisimula ka pa lang
'Di mo hahayaang pigilan ang 'yong bawat hakbang
Kahit na ito'y mabagal na parang nakasaklay
Ang mga pangarap mo ang siyang sandata mong taglay
At walang makakapigil, kahit minsan ay parang
Wala ka nang maayos na lupang pwedeng lakaran
Ngunit alam mo na ito ang dapat mong gawin
Maniwala ka sa 'kin dahil ako ay ikaw rin

Kung ikaw ay mangangarap, mangarap ng mataas
Kung isang suntok na lamang ay pinakamalakas
Na ang siyang dapat mong bitawan, sige, huwag mong tigilan
Kung ika'y nasa baba, taas lang ang patutunguhan

Na ang siyang dapat mong bitawan, 'yan ang dapat mong gawin

Uunahan na kita, ngayon ay makinig ka na
May panahon na para bang nagkamali ka ng pasya
At tila ang lahat ng tao sa iyo ay nakangisi
Maging ang magulang mo'y ikaw lang ang siyang sinisisi
Pero huwag kang magalit, 'yan ay natural lamang
Tanging nais nila'y siguradong kinabukasan
Na para sa 'yo dahil ikaw ay kanilang mahal
Kaya't pakinggan mo ako, magtapos ka ng pag-aaral
Dahil 'di nanganganak ng perang lapis at papel
Puwera na lang kung anak ka ng may-ari ng San Miguel
Biglang magkakaro'n ng album, mga kotse ni Luda
At kasing sikat mo ang rapper na si Allan Pineda
Pero 'di kayang bayaran ng pera kahit magkano
'Pag pinapatugtog ng bata ang awit mo sa radyo
Ngayon ay alam mo na kung ano'ng dapat mong gawin
Maniwala ka sa 'kin dahil ako ay ikaw rin

Kung ikaw ay mangangarap, mangarap ng mataas
Kung isang suntok na lamang ay pinakamalakas
Na ang siyang dapat mong bitawan, sige, huwag mong tigilan
Kung ika'y nasa baba, taas lang ang patutunguhan
Kung ikaw ay mangangarap, mangarap ng mataas
Kung isang suntok na lamang ay pinakamalakas
Na ang siyang dapat mong bitawan, 'yan ang dapat mong gawin
Maniwala ka sa 'kin dahil ako ay ikaw rin

Kung ikaw ay mangangarap, mangarap ng mataas
Kung isang suntok na lamang ay pinakamalakas
Na ang siyang dapat mong bitawan, sige, huwag mong tigilan
Kung ika'y nasa baba, taas lang ang patutunguhan

Kung ikaw ay mangangarap, mangarap ng mataas
Kung isang suntok na lamang ay pinakamalakas
Na ang siyang dapat mong bitawan, 'yan ang dapat mong gawin
Maniwala ka sa'kin dahil ako ay ikaw rin