Omar Baliw
Kalmado Part 1
[Intro: Rhyne & Omar Baliw]
Kalmado lang (Kalmado lang)
Kalmado lang (Kalmado lang)
Kalmado lang (8 Beats) (Ooh-ooh)
Kalmado lang (Kalmado lang) (Yeah)
Kalmado lang (Kalmado lang)
Kalmado lang (Uh)
'Lam niyo na, Omar Baliw

[Verse 1: Omar Baliw]
Ibang klase pagkadali, balikang mala-lagare
Utak ang palalakarin, bitawan mga bagahe
Pasensya pahahabain, ang plano pagaganahin
Lahat ay makakakain, salamat, mapapa-amen
Sagadan hanggang sa dulo, tiyaga kung meron mang tulo
Bitaw palaging todo, sigaw ay nasa tono
Ikaw lang din kikilos, ikaw mismo kukuha
Sila 'yung manghihila, sila din manghihina
Walang makakaawat hanggang sa makalapit
Sariling byahe lakad, hindi lang nakasabit
Hindi pa man makuha atleast ay sinubukan
Sagot ay laging hanap, hindi ko sinukuan
Minsan ay tinutulan kaya ko tinutukan
Pag-asa tinubuan, lahat 'yan tinuruan
Lakbay kahit walang kasabay, sumakay
Kahit kailan 'wag kang matakot sumablay
[Pre-Chorus: Rhyne]
Sige lang, sige lang
Tuloy lang sa pagbibilang, bibilang
Sige lang, sige lang
Tuloy lang sa pagbibilang, yeah, yeah

[Chorus: Rhyne]
Ito ang aking gitnang daliri
Saluhin sa kada sambit ng aking pangalan
Kesa aking pagbigyan
Mas pinili kong maging kalmado (Kalmado)
'Wag na bigyang pansin 'yan
Tuloy lang sa gawain, 'wag magpalinlang
Sa mga tuso't 'di ka dapat mailang
Tatagan mo lang at maging kalmado (Kalmado)

[Verse 2: Loonie]
Balewala mga tira ng palengkerong aligaga
'Di ako interesado sa market niyong pang talipapa
Daming dada 'lang ginawa kung 'di manghila paibaba
Pare, sukat na ang Narra para sa inyong parihaba
Sadyang maingay ang mga nakatali na aso
Lalo na 'pag hindi pinapakain ng amo
Nanggagalaiti ang mga feeling mas gago
Samantalang ako'y nananatiling kalmado
Galit-galitan sa opinyon ko't pakiramdam
'Di ako mainit, 'di man lang ako lumigamgam
Bakit ako magagalit? Nasabi na sa'kin dati 'yan
Mas masakit kasi kalaban niyo'y walang pakialam
Alam kong gusto niyo lang naman ay magka-views kayo
'Di magpapaaning sa mga kabobohan niyo
Kasi mas matagal kang darating sa paroroonan mo
Kung babatuhin mo lahat ng aso na kakahol sa'yo
[Pre-Chorus: Rhyne]
Sige lang, sige lang
Tuloy lang sa pagbibilang, bibilang
Sige lang, sige lang
Tuloy lang sa pagbibilang, yeah, yeah

[Chorus: Rhyne]
Ito ang aking gitnang daliri
Saluhin sa kada sambit ng aking pangalan
Kesa aking pagbigyan
Mas pinili kong maging kalmado (Kalmado)
'Wag na bigyang pansin 'yan
Tuloy lang sa gawain, 'wag magpalinlang
Sa mga tuso't 'di ka dapat mailang
Tatagan mo lang at maging kalmado (Kalmado)
Ito ang aking gitnang daliri
Saluhin sa kada sambit ng aking pangalan
Kesa aking pagbigyan
Mas pinili kong maging kalmado (Kalmado)
'Wag na bigyang pansin 'yan
Tuloy lang sa gawain, 'wag magpalinlang
Sa mga tuso't 'di ka dapat mailang
Tatagan mo lang at maging kalmado (Kalmado)

[Outro: Rhyne]
Kalmado lang (Kalmado lang)
Kalmado lang (Kalmado lang)
Kalmado lang
Kalmado lang (Kalmado lang)
Kalmado lang (Kalmado lang)
Kalmado lang