Intro:

Hawak hawak ang iyong mga kamay

Pangako kong maghihintay
Ikutin man buong mundo ako'y magbabalik

Dahil sa puso ko'y ikaw lamang



Chorus:

Aking ligaya gusto makasama dalanging makapiling ka

Hindi susuko ating paglalaban pagibig na walang hangganan

At kahit na paulit ulit pang sumungit ang tadhana ako sayo parin maghihintay



1st Verse:

Binibining napakaganda

Bakit sa sobrang ilap mo ay sa oras nagtago ka

Wag kang magalala pagkat hindi kita

Titigilan hanapin hanggang sa makuha ka

Sa ngiti, sa lambing, sa tingin

Di magsasawa ang puso ko na tanungin

Na sa dinami dami ng aking tutugunin

Bakit ikaw pa ang napiling hintayin eyy



Repeat Chorus



Bridge:

Aking sinta, pumunta na tayo sa

Sa lugar na ating tinawag na tahanan

Kuhanan, lunurin ang isat isa sa kwentuhan

Pagmasdan, ang mga bituin habang ang buwa'y nakatitig saatin

Oras di sasayangin, bumubulong sa hangin

Dinadalangin na sana tayoy bigyan ng laya

Ika'y ipaubaya, ang puso'y masaya makita ko lang ang ngiti sa yong mukha aking ligaya



Repeat Chorus 2x

More by TO BE DELETED

All TO BE DELETED songs →