Hambog Ng Sagpro Krew
Classmate
[Spoken Intro]
Yeah, kanta ko 'to, para sa'yo, classmate
"Teka, nag-aaral ka ba?"
"Oo"
"Ulol, anong course mo?"
"Astronaut"
"Ba't astronaut?"
"Pupunta ako sa araw"
"Sa araw? Mainit do'n, ah"
"Gago, eh 'di gabi ako pupunta ro'n"
"Teka, teka, may gagawin pa 'kong kanta eh"
Okay, game, Hambog ng Sagpro Krew, hehe

[Chorus]
Unang araw pa lang minahal na kita
Bakit ba ganito ang aking nadama?
'Di man kita lubusan pang kilala
Eh ano naman? Basta mahal kita

[Verse 1]
Unang araw sa school, ako'y nasa eskwelahan
Uniporme ay cool baka may ma-eksenahan
Syempre, meron bagong chicks ngayon nag-enroll
Kaso 'yung iba mukhang pang shake rattle and roll, oh
Pero iisa ang agaw pansin
Isang babaeng kumakain, mag-isa sa canteen
Tapos lalo pa 'kong natuwa at lalong sumaya
Nung nalaman ko ang crush ko, classmate ko pala, haha
Ngayon nga madiskartehan
Wala akong pake kung magtaray o mag-inarte 'yan
Basta gusto ko lang sabihin salitang nakakasado
Sa exam ng puso ko, alam mo ba ika'y pasado?
Pero teka lang, pangalan mo 'di ko pa alam
"Hoy, mister, 'wag kang maingay", tumahimik ka ma'am
Anyway, 'di ko pa rin alam pangalan mong banal
Pero pwede ba tawag ko na lang sa'yo, "mahal"?
[Chorus]
Unang araw pa lang, minahal na kita
Bakit ba ganito ang aking nadama?
'Di man kita lubusan pang kilala
Eh ano naman? Basta mahal kita

[Verse 2]
Second subject, ando'n kami sa may lab
Hindi ako nakikinig, titig ako kay my love
Oo, love na nga kita, L-O-V-E
'Di ko dama ang pagod ko kahit na mag-P.E
'Pag topic ay P.C., ito'y hindi easy
Kaya ika'y busy pero ako'y sisi
Ngit pa rin sa oras mo kahit ikaw ay mainis
Kasi ikaw bumubusog sa puso ko kapag recess
Kung eskwelahan ang puso ko, ikaw ang principal
Dahil sinusunod lamang nito kaniyang minamahal
Daig ko pa ang first honor kapag nakita kita
Ikaw solution sa problem, sa Matematika
Ng buhay ko kasi ikaw plus ako equals for better
Multiply by tiwala at love equals forever
At wala ng pwedeng mag-divide sa ating dalawa
Kasi sa aklat ng Sibika tayo'y nakatalaga

[Chorus]
Unang araw pa lang, minahal na kita
Bakit ba ganito ang aking nadama?
'Di man kita lubusan pang kilala
Eh ano naman? Basta mahal kita
[Verse 3]
Tumatanggi ako sa tropa 'pag sinabing cutting tayo
Kasi misyon ko sa'king pagpasok maging tayo
Yayayain lang nila 'ko sa bilyarang kalapitan
Bakit pa ko do'n sasama kung sa'yong tabi kalangitan?
'Di ba tama aking katuwiran?
Sa eskwelahan, do'n lang kita natatabihan
Kapag ikaw ang seatmate ko, ayoko nang lumisan
Sana dito na lang tayo at walang uwian, damn
Baliw na ba 'ko? Hay nako, lagot
Sa'king assignment, quiz at exam, pangalan mo sagot
Lagi kong hinahanap ang 'yong essence at presence
Kasi kinukumpleto mo ang nonsense na sentence
Kaya 'di na aabsent, you're the angel God sent
Ayos ba ang accent? Syempre laging present
'Di nawawala sa school, laging lumalapag
Kasi ikaw ang dahilan kung ba't ako nagsisipag

[Chorus]
Unang araw pa lang, minahal na kita
Bakit ba ganito ang aking nadama?
'Di man kita lubusan pang kilala
Eh ano naman? Basta mahal kita

[Verse 4]
Ika'y iba sa lahat, masasabing ibang klase
At salamat sapagkat ika'y aking naging kaklase
At ikaw ngayon ang subject dito sa aking rap
Kung hindi ka nakilala, malamang ako'y na-drop
Kasi tamad akong binatang sawa sa eskwelahan
Ngunit ikaw ay estudyante do'n kaya may kwenta 'yan
Gumawa ako ng project, tulang ipapabasa
'Di ito para kay ma'am, sa'yo ko 'to papasa
Sana pumasa ako sa'yo
Sana mag-review ka rin na umaasa 'ko sa'yo
At ang mahalin kita hindi ko 'yon pinag-aralan
Dahil nadama ko 'yon nang kusa at agad-agaran
Classmate kong mahal sana maisip mo na
Matamis mong "oo" ang tuturing kong diploma
At bago ka mawalay sa'kin sa bakasyon
School year na kasama ka sa puso ko babakas 'yon
[Chorus]
Unang araw pa lang, minahal na kita
Bakit ba ganito ang aking nadama?
'Di man kita lubusan pang kilala
Eh ano naman? Basta mahal kita

[Bridge]
(Classmate ko na)
Nagbigay ng kaligayahan
Kaya ang nais ko ikaw ay lagi lang na nand'yaan
Sana kahit tayo ay magkalayo (Classmate)
Maalala mo ako (Dahil)

[Chorus]
Unang araw pa lang, minahal na kita
Bakit ba ganito ang aking nadama?
'Di man kita lubusan pang kilala
Eh ano naman? Basta mahal kita, aah