Hambog Ng Sagpro Krew
Facebook
[Spoken Intro]
Yo, hehe, what's up?
Hambog ikaapat ng Sagpro Krew, hehe
Naranasan niyo na ba ang ma-inlove
Nang dahil sa Facebook?
Pakinggan niyo 'to, ah, hehe, let's go

[Chorus]
Nang dahil sa'yo O-N-L-I-N-E lang ako
At dahil sa Facebook ay na-in-L-O-V-E sa'yo
'Di ko hahayaang mag-hang o mag-connection error
Dahil sa puso ko, ikaw ang lagi kong shout out
Yeah, kaya ayokong mag-log-out

[Verse 1]
Upo ka muna saglit, relax ka muna d'yan, mahal
Pasensya na ang kanta ko para sa'yo napatagal
Hindi ko 'to minadali, gusto kasing dahan-dahanin
Kay sarap kasi ang alaala natin alalanin
'Di kasi inaasahan na ika'y makikilala
Biglaan lang dating mo para bang ligaw na bala
Hayaan mo ako, ang kwento natin simulan
Istorya ng pagmamahalan kung ano'ng pinagmulan
(Mm-mm, ano, okay na ba? Mic check, okay, game)
Isang gabi, tutok sa PC at medyo maginaw
Tamang search ng girl sa Facebook biglaang naligaw
Ang aking diwa sapagkat isang anghel ang lumitaw
At alam mo ba kung sino 'yon? Oo, ikaw
Titig lang sa'yong litrato, kasiyahan natamo
Ako'y tila na-hipnotismo sa ganda ng mata mo
Ako'y nag-send ng friend request, wala na 'tong hiya-hiya
Eh kaso ang tanong ko lang, ako'y i-aaccept kaya?
[Chorus]
Nang dahil sa'yo O-N-L-I-N-E lang ako
At dahil sa Facebook ay na-in-L-O-V-E sa'yo
'Di ko hahayaang mag-hang o mag-connection error
Dahil sa puso ko, ikaw ang lagi kong shout out
Yeah, kaya ayokong mag-log-out

[Verse 2]
In-accept mo 'ko at nagmessage ka, "Thank you for the add"
Kilig ako sagad-sagad kaya naman reply agad
Hanggang sa tumagal, tungkol sa'yo'y alam ko na lahat
'Pagkat lagi kang nagkekwento 'pag ikaw aking ka-chat
'Di ko inakala na makikilala kita at tila may kakaiba
Nadarama ko at nadarama mo, alam ko na parehas na 'to at isa
Pagmamahalan namuo sa'tin dahil sa PC lang
'Wag mong iisipin na baka ika'y magsisi lang
'Pagkat pag-ibig matatag pa sa pinakamatatag
At sa puso ko ikaw nag-iisa na naka-tag
Sa status ko, mahal ko na babae sisigaw
Siya'y ikaw, ay ikaw, ay ikaw, ay ikaw
Ha, 'di na magdadasal pa
'Pagkat dalangin at hiling ko no'n ay nand'yaan na
Ikaw pala ang tao na naka-takda sa propesiya
Na makikilala ko nang dahil sa teknolohiya
Masaya ang panahon ngayon, masyado nang moderno
Sapagkat sa internet ko lang nakuha ang katerno
Na babaeng tinalaga na habang buhay para sa'kin
Salamat dahil sa buhay ko, ika'y nag-log-in
[Chorus]
Nang dahil sa'yo O-N-L-I-N-E lang ako
At dahil sa Facebook ay na-in-L-O-V-E sa'yo
'Di ko hahayaang mag-hang o mag-connection error
Dahil sa puso ko, ikaw ang lagi kong shout out
Yeah, kaya ayokong mag-log-out

[Verse 3]
Mensahe ko para sa'yo, ngayon kinanta na sa mic
Ipopost ko 'to sa wall mo, sana iyong i-like
Ayos lang kung negatibo man ang 'yong maging komento
Ang sa akin lang naman, nais ko lang naman ikwento
Ang istorya kung saan nagmahal ang isang binata
At sa istorya ko, ikaw nagpaganda ng kabanata
At sa awit na ito, mahal ka niya kaniyang panata
Ikaw nagbibigay ng kulay sa mga obra ng makata
Ako'y 'di sinungaling katauhan ko ay honest
Mahilig ka sa Farmville, puso ko'y iyong hinarvest
At ikaw laging laman ng mga sulat ko sa notebook
Babae na natagpuan ko lang dito sa Facebook
Mag-aaral na ako to love you, it's all I want to learn
Salamat 'di mo in-ignore ang friend request ko kinonfirm
(Wow, english 'yon, ah, burger, burger, burger, letse)
Ang puso ko ikaw sigaw pangalan mo palaging shout out
Sa buhay ko, mahal, sana 'wag ka na mag-log-out
[Chorus]
Nang dahil sa'yo O-N-L-I-N-E lang ako
At dahil sa Facebook ay na-in-L-O-V-E sa'yo
'Di ko hahayaang mag-hang o mag-connection error
Dahil sa puso ko, ikaw ang lagi kong shout out
Yeah, kaya ayokong mag-log-out
Nang dahil sa'yo O-N-L-I-N-E lang ako
At dahil sa Facebook ay na-in-L-O-V-E sa'yo
'Di ko hahayaang mag-hang o mag-connection error
Dahil sa puso ko, ikaw ang lagi kong shout out
Yeah, kaya ayokong mag-log-out