Adie (PHL)
Oh, Giliw
[Intro]
Ooh
Sa'yo ko lamang balak na ibigay
Pakinggan mo 'tong awit na hihimlay

[Verse 1]
Oh, giliw
Binabaliw ako ng mga titig mo
Hahagilapin
Kadulo-dulohan ng 'yong ngiti (Oh)

[Pre-Chorus]
Ibabahagi
Ang nakatanim na pagtingin (Oh)

[Chorus]
Ipaparamdam, dahan-dahan
Ang pakiramdam ng pagmamahal
Sa'yo, oh, giliw
Ipagdarasal isa't isa
Bawat kahulugan kung ba't sa'yo napamahal (Ooh)
Palaging inspirado sa'yo

[Refrain]
Oh, oh
Oh, oh
Oh, oh
Oh, oh
[Verse 2]
Oh, giliw
Inaaliw mo ako
Sa mga hiwatig ng iyong punto
Nananabik palagi ng makita ka (Ah)
Nanunumbalik lagi ang aking sigla
Banayad sa pagkapana ni Kupido
Tuwid ang tingin, 'di na kailangang manigurado

[Pre-Chorus]
Ibabahagi
Ang nakatanim na pagtingin (Sa'yo ko lamang balak na ibigay)
(Pakinggan mo 'tong awit na hihimlay)

[Chorus]
Ipaparamdam, dahan-dahan
Ang pakiramdam ng pagmamahal
Sa'yo, oh, giliw
Ipagdarasal isa't isa
Bawat kahulugan kung ba't sa'yo napamahal
Palaging inspirado sa'yo

[Refrain]
Oh, oh
Oh, oh
Oh, oh
Oh, oh
[Outro]
Oh (Pag-ibig ang siyang maghahari)
Oh (Pag-ibig ang siyang maghahari)
Oh (Pag-ibig ang siyang maghahari)
Oh