Abang Maria (1986)
[Verse 1]
Sinong mas malumanay sa kogong kumakaway?
Sinong mas dalisay sa hamog sa himaymay?
Sinong mas malambing sa mapaglarong hangin?
Sinong mas maningning sa buwan at bituin?
[Chorus]
Abang Maria, Mahal naming ina
Ang landas tungo kay Hesukristo
Buong tiwala kanyang winika
"Maganap nawa ang 'Yong salita"
[Verse 2]
Sinong magpapayapa sa bagyong nananakot?
Sinong magpapasigla sa damong sumukot?
Sinong takbuhan ng mga dukha?
Sinong tanggulan ng mahihina?
[Chorus]
Abang Maria, Mahal naming ina
Ang landas tungo kay Hesukristo
Buong tiwala kanyang winika
"Maganap nawa ang 'Yong salita"
[Post-Chorus]
Sinong dakilang lingkod ng Amang Utos?
Santa Maria, ina ng Diyos
[Verse 3]
Sino ang reyna ng langit at lupa?
Sinong nag-aaruga sa lahat ng nilikha?
[Chorus]
Abang Maria, Mahal naming ina
Ang landas tungo kay Hesukristo
Buong tiwala kanyang winika
"Maganap nawa ang 'Yong salita"
[Post-Chorus]
Sinong dakilang lingkod ng Amang Utos?
Santa Maria, ina ng Diyos
Sinong mas malumanay sa kogong kumakaway?
Sinong mas dalisay sa hamog sa himaymay?
Sinong mas malambing sa mapaglarong hangin?
Sinong mas maningning sa buwan at bituin?
[Chorus]
Abang Maria, Mahal naming ina
Ang landas tungo kay Hesukristo
Buong tiwala kanyang winika
"Maganap nawa ang 'Yong salita"
[Verse 2]
Sinong magpapayapa sa bagyong nananakot?
Sinong magpapasigla sa damong sumukot?
Sinong takbuhan ng mga dukha?
Sinong tanggulan ng mahihina?
[Chorus]
Abang Maria, Mahal naming ina
Ang landas tungo kay Hesukristo
Buong tiwala kanyang winika
"Maganap nawa ang 'Yong salita"
[Post-Chorus]
Sinong dakilang lingkod ng Amang Utos?
Santa Maria, ina ng Diyos
[Verse 3]
Sino ang reyna ng langit at lupa?
Sinong nag-aaruga sa lahat ng nilikha?
[Chorus]
Abang Maria, Mahal naming ina
Ang landas tungo kay Hesukristo
Buong tiwala kanyang winika
"Maganap nawa ang 'Yong salita"
[Post-Chorus]
Sinong dakilang lingkod ng Amang Utos?
Santa Maria, ina ng Diyos