Fr. Eduardo Hontiveros SJ
Santa Maria della Strada

[Verse 1]
Maria della Strada, Ina ng Landas
Ipagdasal aming makamtan ang lakas
Mangahas na mabuhay ngayon hanggang wakas
Na laging kapiling Anak mong matimyas

[Verse 2]
Maria della Strada, Ina ng Landas
Patnubayan kami, bahagdan ng lakas
Na pagdating namin sa wakas ng landas
’Di na mawalay pa sa Anak mong wagas

[Chorus]
Birhen, tulungan mo kaming magdasal
Nang ang biyaya ng Poo’y makamtan
At ang daan ni Hesus masundan sa kapayapaan
Maria

[Verse 2]
Maria della Strada, Ina ng Landas
Patnubayan kami, bahagdan ng lakas
Na pagdating namin sa wakas ng landas
’Di na mawalay pa sa Anak mong wagas