Kung kailanagan mo ng kausap

Kung kailangan mo ng karamay

Kung kailanagan mo ako…
Darating… darating



Pinulot sa mesa ang baba, umapaw sa luha at nabaha

Hindi makontinto may hindi na kontinto kaya ngayon sayad ako sa lupa

Teka lang, ngayon parang di na yata yung ikaw?

Na matibay ang loob at di basta bumibitaw?



Nasaan ang isipan bakit para bang naliligaw

Bakit ganyan ka mag isip, tila manggang nahihilaw

Kase maasim, maasim kinakasadlakan?

Mga balakid sa daan parang di na malagpasan



Ngayon wala na akong pera, wala pa rin trabaho

Walang pinagbabago, at tila pasan pasan

Mga problema, alam ko na kung minsan patong patong

Na para bang bagyo na humampas sa barong barong

Pero dapat ay bumangon, pag ikaw ay nadapa

Pero bumangon man ako… wala pa rin magagawa…



Kung kailanagan mo ng kausap

Kung kailangan mo ng karamay

Kung kailanagan mo ako…

Darating… darating



Alam mo, di lang ikaw ang may mga dalahin

May pag subok man sayo, meron din para sa akin

Sa amin, sa kanila, at kung kani-kanino

Walang hindi namomoroblema, kahit na sino



Madali lang yan sabihin, mahirap na gawin

May bagay na di mo makuha kahit pilit tyagain

Parang babaeng niligawan, aagawan ang pansin

Pero sa bandang huli baliwala pa rin



Anung klaseng dahilan yan at parang baluktot

Parang sinabi mong habang-buhay ka ng malungkot

Kung mangangarap, akyat ka lang hanggang sa tuktuk

Para bumaon ang pako dapat may pumukpok



Ginagawa naman lahat, pero bakit sumasablay

Sa agos ng buhay na pilit sumasabay

Wag mawalan ng pagasa, marami ang gumagabay

Dapat lalong tumatapang habang ika’y umaaray



Kung kailanagan mo ng kausap

Kung kailangan mo ng karamay

Kung kailanagan mo ako…

Darating… darating



Kung kailanagan mo ng kausap

Kung kailangan mo ng karamay

Kung kailanagan mo ako…

Darating… darating

Darating……



At kung di ka kumbinsido, eto makinig ka

Dapat tibayan ang loob kapag ika’y nakidigma

Marami ang mga pagsubok, hahamunin ang tigas

Dapat magpakatatag, para hanguin ang bigas



Na dati’y palay, mula sa palad ng magsasaka

Bawat butil sa bukid hindi dapat mag pabaya

Ang ugali ng pinoy, kahit may nagpapakaba

Nakukuha pang ngumiti, kung minsan nagpapatawa



Sana makuha ang punto, na hindi yan ang wakas

Gamitin mo ang iyong puso at natitirang lakas

Laging may hamon bawat bukas, ulan man kahit malakas

Tandaan mo lang palagi na may langit sa taas



Wag ka lamang alangan, manatili kang palaban

I-isa lang ang mundo na ating ginagalawan

May pag asang nakalaan, nasa iyo ang paraan

Maglakbay ng diretso kahit maputik sa daan

More by Kean Cipriano

All Kean Cipriano songs →