A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

Kean Cipriano

"Alon"

Verse 1:
Mga tala’y nagliwanag
Sa ating pag-iisa
At ang ihip ng tadhana ay
Pinagtagpo pa tayong dalawa

Ikaw ang ninanais
Yakapin ang damdamin
Kong aapaw na

Chorus:
Gising sinta
Alon ng dagat ay hahampas na
Halik ng kahapon ay
Nagpaalam na

At handa na akong
Sumabay sa pag-agos ng aking mundo
Pakinggan ang himig at bulong ng puso ko

Verse 2:

Ang oras na lumilipas
Ay may takdang hangganan
Susubuking paikutin
Pabalik ang kamay ng orasan

Sabihin ang sanhi
Kung bakit bumitiw
Mapipigil ba kung nais mong lumaya na?

Chorus:
Gising sinta
Alon ng dagat ay hahampas na
Halik ng kahapon ay
Nagpaalam na

At handa na akong
Sumabay sa pag-agos ng aking mundo
Pakinggan ang himig at bulong ng puso ko

Bridge:
Kung sakali na tayo’y magkatagpo
Pagkatapos maghilom ng ating puso
Pag-ibig ba’y isusugal mo?
Aaminin na di sinasadya
Patawarin kung pagmamahal ay
Naglaho na

Alon ng dagat ay hahampas na
Alon ng dagat ay hahampas na
Alon ng dagat ay hahampas na
Alon ng dagat ay hahampas na

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #


All lyrics are property and copyright of their owners. All lyrics provided for educational purposes and personal use only.
Copyright © 2017-2019 Lyrics.lol